pilipinas-rocks-billions president fund guro magsasaka

Dobleng bilyones na intelligence fund ng Presidente, ibigay na lamang sa mga guro at magsasaka?

449 Shares

Habang hirap ang mga guro at magsasaka, dobleng bilyones naman ang intelligence fund na hinihingi ng Office of the President at aprubado na sa committee level ng kongreso.

Umabot lamang ng halos tatlong minuto ang pag-approved ng House Appropriations Committee para sa proposed budget na P8.2-billion na pondo para sa Office of the President (OP).

Ang mabilis na approval ng pondo ay isang pagpapakita ng galang sa Office ng Presidente. Ito ay hindi pa final at dadaan pa sa deliberations sa plenary hall.

Ngunit ngayon pa lamang ay marami na ang nagtatanong sa P2-billion na dagdag sa confidential at intelligence fund ng OP.

Halos dumoble kasi ang hinihinging pondo ng OP kumpara noong nakaraang taon, at hindi lamang millions ang pinag-uusapan kundi billions of pesos.

Ang nasabing intelligence fund ay hindi maaaring isapubliko ang detalye, isang bagay na hindi madaling ma-audit ng Commission on Audit (COA).

P1-billion ang mapupunta sa Personnel Services, P6.7 billion naman ay sa Maintenance and Other Operating Expenses, at P 427 million ay sa capital outlay.

Ibigay ang bilyones para sa dagdag sweldo ng mga guro

Nananawagan ang ilang congressmen na i-re-align ang ilang bilyong pesosa na intelligence fund ng Pangulo para sa dagdag na sweldo ng mga guro at pondo para sa mga magsasaka.

“Ang daming intelligence fund, nakasuksok sa mga ahensiya, samantalang matagal ng nag-aabang ang mga guro ng substantial increase. San ba dadalhinin ang P4.5 billion na ito?” tanong ni Alliance of Concerned Teachers party-list representative France Castro sa pamamagitan ng isang press conference.

Itulong ang bilyones sa mga magsasaka

“Mula P2.5 billion ng 2018 at 2019, P4.5 billion na sa 2020. Bakit hindi natin ilagay itong pondo kung saan mapapakinabangan ito ng mamamayan, katulad ng mga magasasaka na kailangan ng tulong dahil sa mababang presyo ng palay dahil sa Rice Tariffication law?” ayon naman kay Bayan Muna party-list representative Ferdinand Gaite.

Ano masasabi mo dito?

loading...