pilipinas-rocks-doc mata on rappler chinese

Doc Mata, klinaro ang ‘sounds different’ post ng Rappler sa statement ni PDu30

19 Shares

Naglabas ang Rappler ng isang image post patungkol sa sinabi ni Pangulong Duterte at ito ay makikita sa ibaba.

Ayon kay Dr. Richard Mata, ‘sounds different’ raw ang dating nang ipinost ng Rappler patungkol sa reply ng Presidente sa isang katanungan.

Bilang miyembro ng Expert Medical Panel na present sa nasabing meeting ay medyo kakaiba raw ang dating ng image post ng Rappler kumpara sa totoong context sa nangyaring tanong-at-sagutan.

Kung babasahin lamang ang posted image ng Rappler ay lalabas na ang “no.. this is an utter disrespect to a human being” na sagot ni President Duterte ay dapat i-apply sa mga Chinese kapag papasok ito sa bansa, na para bagang may special treatment na ibinibigay ang Pangulo sa mga Chinese habang may pinaiiral na temporary travel ban mula China, Hongkong, at Macau papuntang Pilipinas at vice-versa.

Sa mas madaling salita, habang may temporary travel ban ay magiging exempted ang mga Chinese dahil magiging ‘utter disrepect” ito sa “human being”; ganito ang sentido na makukuha ng mga tao kung ang image post ng Rappler lamang ang pagbabatayan ayon sa clarification ni Doc Mata.

Ito ang dahilan kaya nais ni Doc Mata na linawin ang ‘sounds different’ na post ng Rappler.

Ayon kay Doc Mata, ang context na nawala sa image post ng Rappler ay ang bahagi ng tanong na nagsasabi kung saan galing ang Chinese na hindi dapat haharangin sa airport.

Ayon sa tanong ay ang pinag-uusapang Chinese na hindi dapat haharangin pagpasok ng Pilipinas ay Chinese traveler na hindi galing sa China, Hong Kong, o Macau.

“The question was if a Chinese person who came from USA flight for example to the Philippines, will that person be barred by the President?”

Dito sumagot ang Pangulo nang “that is an utter disrespect to a human being”. Ibig sabihin, sinumang Chinese ay maaari pa ring pumasok sa bansa bastat hindi siya galing sa China, Hong Kong, o Macau. At kapag nanggaling sa mga nasabing bansa ay dapat haharangin din.

“Rappler only chose a statement and not the whole message,” panghuling comment ni Doc Mata sa kanyang post.

Ano masasabi mo dito?

loading...