pilipinas-rocks-12 milyon donation drive para sa frontliners

Donations pambili ng PPE para sa mga frontliners kontra COVID19 umabot na ng Php12M

24 Shares

Umabot na ng Php12 million ang nalilikom na mga donasyon para sa pagtulong sa mga frontliners na unang humaharap sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Php5.9 million sa mga financial donation ay mula sa Office of the Vice President ni VP Leni Robredo. Ang P6.4 million naman ay mula sa mga ordinaryong mamamayan sa pamamagitan ng Angat Buhay (Kaya Natin).

Ang mga frontliners tulad ng mga doktor, nurses, at iba pang mga kawani ay lubos na hinahangaan ni VP Leni dahil sa kanilang tapang, tatag ng loob, dedikasyon at husay sa gitna ng banta ng COVID19 sa bansa.

Napakahalaga ng gampanin ng mga frontliners sa panahon ng pandemic na ito. Sila ay mga tao rin at very susciptible na mahawaan ng kinatatakutang virus.

Bilang pasasalamat sa mga frontliners ay inilunsad ng Angat Buhay (Kaya Natin) ang donation drive upang makabili ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa mga healthcare workers. Ito kasi ang pangunahing pangangailangan ng mga frontliners upang masiguro na sila rin ay ligtas habang humaharap sa mga posibleng may coronavirus na.

“Ang pondong ito ay ginamit natin para makabili ng unang batch ng PPE Sets, na magagamit ng 1,000 na frontliners sa susunod na 15 na araw,” ayon sa Facebook post ng opisina ni VP Leni.

Narito ang laman ng isang PPE set para sa isang healthworker ayon sa fundraising drive page ng Kaya Natin

“Each PPE Daily Set Ticket consists of one N95 mask, one gown, two sets of gloves, two pieces of head covers, two sets of shoe covers and one pair of goggles. This is only good for one (1) health worker. Each Food and Care Pack Ticket will help one health worker/frontliner per day.”

Hindi magkakaroon ng Php12 million donation kung wala ang pagkakaisa at pakikiisa ng mga mamamayang buong pusong nagbigay ng kanilang donasyon. Salamat po sa inyo, mga kababayan!

Sa mga gusto pang magbigay na kanilang donation ay pwede nyo pong i-click ang link na ito: bit.ly/forCOVID19frontliners. Note capital letters po dapat ang ‘COVID’ kung sakaling ito ay ita-type sa inyong browser.

Ang Php12 millyon donation drive na ito bilang tulong sa mga frontliners ay sampal sa mga bumabatikos kay VP Leni sa kabila ng COVID19 pandemic.

loading...