pilipinas-rocks-DREAM TEAM VS illegal drugs

Dream Team vs illegal drugs: VP Leni, Lacson, SenTri, Magalong

11.1K Shares

Humanga si Senador Panfilo Lacson sa pagtanggap ni Vice President Leni Robredo ng hamon ni Pangulong Duterte na maging co-chair sa pagsugpo ng illegal drugs sa bansa.

Noong Miyerkules, Nobyembre 7 ay pormal na tinanggap ni VP Leni sa pamamagitan ng presscon ang hamon na maging co-chair sa Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

“Experience counts but sincerity and mental honesty, not to mention the willingness to learn, should count more,” ayon kay Lacson patungkol sa Bise Presidente.

Sa pinagtabing larawan nina Senator Lacson at VP Leni ay marami ang nakaisip na mas maganda umano na isama ang ilan pang matatapang at totoong lumalaban para sa bayan para mabuo ang Dream Team kontra illegal drugs.

Si dating Senator Antonio “SenTri” Trillanes IV at dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Benjamin Magalong ay agad na pumasok sa isip ng mga netizens upang makasama nina Lacson at VP Leni sa totoong paglaban sa illegal drugs.

Bagaman ang tinatawag nilang Dream Team kontra droga ay isang katha ng malikot na pag-iisip ay nagpapakita ito kung sino talaga ang pinagkakatiwalaan ng bayan sa pagsugpo ng illegal drugs sa bansa.

Ano masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page