pilipinas-rocks di alam ni presidente pastillas

Duterte ‘di alam na nasa gobyerno pa rin ang mga immigration officers na kanyang ‘sinisanti’

163 Shares

Mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque ang nagpahayag na hindi alam ni Pangulong Duterte na ang mga Immigration personnel na kanyang sinisante sa kasong corruption ay tuloy pa rin pala ang pagtrabaho sa gobyerno. Ito ang pag-amin mismo ni Roque mula sa isang press briefing.

Matatandaan na ibinida ni Pangulong Duterte sa kanyang huling State Of the Nation Address (SONA) na 43 Immigration personnel ang kanya umanong sinisante na pawang mga dawit sa ‘pastillas’ scheme.

“I have ‘yung ‘pastillas’ [scam] sa ano, sa airport. There were 43 personnel involved. I fired them all. Talagang pinaalis ko sa gobyerno,” pagmamalaki ni Pangulong Dutere sa kanyang SONA na umabot ng tatlong oras katagal.

Ngunit ayon kay DOJ Sec. Guevarra, ang mga nabanggit na mga personnel ay bumalik sa kani-kanilang mga duties at hindi talaga natanggal sa trabaho.

“Siguro po, obvious ang sagot, hindi po siguro alam ni Presidente, hindi pa sila nasisisante. Ang alam lang niya, nasuspende”, ayon kay Roque.

“Pero siguro po, ang epekto ng kaniyang mga binitawang salita, iyan po ay mandato sa DOJ, sa CID, gawin ninyo ang lahat para masisante iyan sa lalong mabilis na panahon. Hindi po katanggap-tanggap iyong ginawa nilang pastillas scheme; kinakailangan po talaga sibakin sila,” dagdag ni Roque.

Ang ‘pastillas’ scheme na ibinulgar sa Senado sa pangunguna ni Senador Risa Hontiveros ay nagpapakita ng corruption sa NAIA airpot sa panahon ng adminsitrasyon ni Pangulong Duterte.

Napag-alamang ang mga Chinese ay pumapasok sa Pilipinas bilang mga turista ngunit kinalaunan ay magtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Binabayaran ang mga immigration personnel, Chinese at Filipino travel agencies na aabot sa P10,000 na ibinabalot sa isang bond paper na parang pastillas.

Noong panahon ng election ay nangako si Pangulong Duterte na tatapusin niya ang corruption sa Pilipinas “in 3 to 6 months”. Ngunit matapos ang kanyang limag taon sa pagkapangulo ay kaliwat-kanan ang mga scandals at alegasyon ng corruption at cover-ups ang mababasa sa mga pahayagan. Nariyan ang shabu scandal sa customs, ang P15 bilyon scandal sa Philhealth, at cover-ups sa mga pulis at drugs enforcement agency na involved sa krimen. Ilan lamang dito ang humantong sa convictions. May mga pinag-resign ngunit kinalaunan ay bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Patuloy na bumababa ang antas ng paglaban ng gobyerno sa corruption kung ikukumpara sa 180 na mga bansa sa mundo ayon sa Transparency International’s Corruption Perceptions Index. Noong 2020, ay bumagsak pa ito ng 115th mula sa 113th noong 2019.

Source: news.abs-cbn

loading...