pilipinas-rocks-ethel booba vs cyst mocha uson

Ethel Booba tinawag na “CYST” si Mocha Uson. Ano say nyo?

171 Shares

Inungkat ni Mocha Uson ang issue ng kubeta na walang partition na project ng PNR noong nakaraang administrasyon bilang sagot sa mga pumupuna ng controversial na P50 million na cauldron project.

Ayon pa kay Mocha ay mga “utak talangka” raw ang mga pumuna sa overpriced na cauldron.

Ngunit kamakailan ay lumabas rin ang photo ng isang kubeta sa Rizal Stadium na may dalawang toilet bowl na wala ring partition.

Ang malala nito ay ang nasabing kubeta sa Rizal Stadium ay kasama sa renovated program. Ibig sabihin kapag may mali sa unang desinyo ay dapat itama during renovation. Nakakalungkot na hindi ito ang nangyari.

Sa kabilang banda naman, ang inungkat ni Mocha Uson na kubetang walang partition ay hango sa isang proyekto na hindi tapos. Ganunpaman, dapat pa rin kondenahin ang maling disenyo.

Dahil dito ay hinimok ni Ethel Booba na burahin ang naunang tweet ni Mocha Uson ukol sa pagpuna ng toilet na walang partition dahil kung hindi ay malalagot daw sa mga utak talangka.

Malinaw na ang tweet ni Ethel Booba ay isang pagkutya sa tweet ni Mocha Uson. Isang malaking sampal kay Mocha ang paglabas ng imahe ng toilet na wala ring partition na ginawa sa panahon ni Pangulong Duterte at supervision ni House Speaker Allan Cayetano para sa SEA Games 2019.

Image from Inquirer.net

Ang matindi nito ay tinawag ni Ethel Booba na “cyst” si Mocha. Kung hindi babasahin ay katunog ito ng “sis” na malimit tawagan sa isa’t-isa ng mga babae at beki.

Ang cyst ay pagbukol ng laman sa katawan. Maari itong malignant (nakamamatay na cancer) o benign. Anu’t-anuman, ang cyst ay nagbibigay discomfort sa tao dahil ito ay malimit lumalaki at nakakaabala sa pang-araw-araw na gawain. Hindi maganda sa pandinig at experience ang salitang “cyst”.

Bakit kaya tinawag na “cyst” ni Ethel Booba si Mocha Uson? Sang-ayon ba kayo? Ano masasabi mo?