pilipinas-rocks-ethyl vs isopropyl

Ethyl alcohol mas ok gamitin sa balat in regular use kesa isopropyl

10 Shares

Walang makakatalo sa paghuhugas ng kamay gamit ang sabon kung pagtanggal ng mikrobyo ang pag-uusapan. Ito ang pinakamabisang panlinis ng kamay at katawan ng tao lalu na ngayong may pandemic na ng coronavirus.

Ngunit sa panahon walang tubig o sabon at feeling mo ay marami nang bacteria at germs na dumapo sa kamay mo dahil sa paghawak ng maraming bagay-bagay tulad ng pera o dyaryo ay makabubuting gumamit ng hand sanitizer o alcohol.

Ganunpaman, mas minumungkahi ng marami na gamitin na lamang ang ethyl alcohol bilang pang-araw-araw na gamit kesa isopropyl (IPA). Alamin natin kung bakit.

Mas preferable ang ethyl alcohol

Kumpara sa isopropyl, ang ethanol ay “food graded”. Ibig sabihin nito ay kapag nakapasok sa katawan ang ethyl alcohol ay hindi masyadong magdudulot ng negatibong pinsala kumpara sa isopropyl. Ang ethanol ay siya ring ginagamit sa mga inuming nakalalasing.

Ganunpaman, hindi ibig sabihin nito na ang ethyl alcohol na mabibili sa mga botika ay pwede mo nang inumin. Hinahaluan kasi ito ng toxic ingredient ng mga manufacturers upang hindi intentionally gamitin ng mga tao sa inuman o pagkain.

“Rubbing alcohol that contains ethanol is ‘denatured,’ meaning that toxic substances are added to it to prevent people from drinking it,” ayon kay Dr. Eric Lee, medical expert ng InvigorMedical.com.

Possibleng accidental poisoning dulot ng isoprophyl alcohol

Ayon sa Facebook page ng Ateneo Chemistry Society, ang isopropyl alcohol ay hindi dapat iniinom o pinapasok sa katawan.

“…isopropyl alcohol (IUPAC: propan-2-ol) is used only as a rubbing alcohol since it is unfit for oral consumption.”

Hindi rin advisable ang palagiang paggamit ng isoprophyl sa balat ng tao. Mabilis itong naa-absorb ng katawan sa pamamagitan ng pagpasok sa maliliit ng butas ng ating balat.

Maaring magkaroon ng accidental poisoning kapag naparami ang paggamit ng isopropyl sa katawan.

“IPA (isopropyl) poisoning occurs when the liver is no longer able to manage the amount of IPA in the body. Your body can handle small amounts of isopropyl alcohol,” ayon sa Dangers of Isopropyl Alcohol article.

Kapag nainom ang isopropyl ay mabilis ang negatibong epekto nito sa loob ng ating katawan dahilan upang ikamatay agad.

“ingesting isopropyl alcohol has an immediate effect on the central nervous system, which controls the involuntary actions of the body, including heartbeat, breathing, and gag reflex. Isopropyl alcohol slows these functions and may shut them down altogether.” ayon pa rin sa article na nabanggit sa taas.

Kaya pinapayuhan na ilagay ang mga alcohol na ito sa hindi agad naabot ng mga bata.

Dahil dito ay mas preferable ng marami na gamitin na lamang ang 70% ethyl alcohol bilang panlinis sa balat ng tao sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang isopropyl alcohol ay maari ring gamitin sa balat ngunit hindi dapat palagian dahil iniiwasan ang pagkakaroon ng overloading ng IPA sa liver ng tao.

Kung pag-disinfect naman ng mga kagamitan sa bahay ay mas makakabuting gamitin ang pinaghalong tubig at bleach products.

SHARE po natin sa mga relatives at kaibigan bago mahuli ang lahat.

loading...