pilipinas-rocks-philip salvador deborah sun droga

Ex-actress na kapatid ni Philip Salvador, inaresto dahil sa droga

Siguradong tandang-tanda nyo pa kung paano binashed ni Philip Salvador ang mga Filipinong hindi natutuwa sa mga nangyayari sa bansa at pamamalakad ni Pangulong Duterte, lalu na sa tinatawag ng MalacaƱang na “war on drugs”.

Marami kasing mga drug lords ang laya pa rin, tulad ng kaibigan ni Pangulong Duterte na si Peter Lim. Sa ilalim ng pamumuno ni BuCor Chief Nicanor Faeldon na paborito ni Pangulong Duterte ay maraming convicted drug lords ang nakulong na ngunit pinalaya rin.

“Sa inyong lahat na bumabatikos, mamatay kayong lahat!” pahayag ng aktor sa isang interview.

Ayon sa Quezon City police report at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay naaresto ang kapatid na babae ni Philip Salvador na si Jean Louise Salvador sa pamamagitan ng isang buy-bust operation.

Kasama sa naaresto ay si Angela Salvador, anak ni Jean Louise, na tumakas sa pamamagitan ng bintana at tumago sa katabing condo unit. Ikinagulat ito ng mga estudyanteng nakatira sa nasabing unit at inireport sa security, Ang dalawang lalakeng kasamang inaresto ay sina Gerald de Guzman at Gonzalo Gonzales.

Ala-una ng madaling araw ng salakayin ng mga pulis ang condominium unit ni De Guzman sa Barangay E. Rodriguez dahil na rin mga reklamo na may ilegal na activities umano sa nasabing condo unit.

Pitong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, mga drug paraphernalia, at buy-bust money ang nakuha sa mga suspects.

Itinanggi naman ng mga suspects ang paratang sa kabila ng nagpositibo sila sa paggamit ng droga.

Violation sa Comprehensive Dangerous Drugs Act og 2002 ang hinaharap na charges ng mga suspects.

Ang kapatid ni Philip Salvador ay mas kilala sa screen name na Deborah Sun at gumanap rin sa mga pelikulang “Pasan Ko Ang Daigdig”, “Temptation Island”, at “Pakawalan Mo Ako”.

Maabswelto kaya ang nasabing dating aktres sa kasong hinaharap nito? Ano masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page