pilipinas-rocks-tulfo aguirre protector pastillas

Ex-DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II idinawit bilang protector ng ‘pastillas’ scheme sa BI

854 Shares

Dawit sa ‘pastillas’ scheme ang dating Department of Justice Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Vitaliano Aguirre II, ito ang ibinahagi ng kolumnistang si Ramon Tulfo noong Lunes, Marso 2, 2020 sa Senate hearing.

Gamit ang testimonya ng whitleblower na si Allison “Alex” Chiong, si Aguirre umano ang “protector” ng illegal scheme sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapalusot ng mga Chinese nationals kapalit ang malaking halaga ng pera.

“Siya po ang protektor ng sindikato base sa ni-report sa akin ni Mr. Chiong,” ayon kay Tulfo.

Ang BI ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice.

Nauna nang isiniwalat ni Tulfo ang ilegal na kalakaran sa BI noong Abril 2019 sa kanyang column sa isang pahayagan. Ayon kay Tulfo, maraming Filipina ang dinadala sa abroad upang maging protitutes at nakakalusot ito sa immigration officers.

Nitong nakaraang buwan ay isinulat ni Tulfo na tumatanggap umano si Aguirre ng kickbacks mula sa ‘pastillas’ scheme. Dinadala umano ang pera gamit ang chartered helicopter sa lugar ni Aguirre sa Mulanay, Quezon.

Mariin namang tinanggi ito ni Aguirre at nagbantang muling kakasuhan ng libel si Tulfo.

“The charges of Ramon Tulfo is an absolute lie and a complete fabrication of Tulfo,” he said in a text message. “For repeating these falsities, I will write the Senate committee of Senator Hontiveros to invite me and Tulfo if there is any future hearing so I could refute them and tell Tulfo to his face that he is liar… Kahit saan, I could face anybody for I am completely innocent of his charges,” ayon kay Aguirre.

Isang nagngangalang Marc Red Mariñas ang idinawit rin sa ilegal scheme at inaming appointed siya ni Aguirre noong 2016 bilang head ng Port Operations Division, ngunit sinabi niyang wala siyang alam sa ‘pastillas’ scheme.

Ang pagdinig sa ‘pastillas’ scheme ay pinangungunahan ni Senator Risa Hontiveros bilang chairwoman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Ano masasabi mo dito?

Comments