Paggamit ng face masks, alcohol spray, less talking, mga new normal sa jeepneys at PUVs

83 Shares

Iminungkahi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na ibalik na ang mga PUJs sa kalsada upang maibsan ang pahirap na transportasyon ng mga Pilipino sa araw-araw.

Ngunit ayon kay Trillanes ay nararapat gawin ang mga sumusunod upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

  1. Dapat ay may gloves at face mask ang driver
  2. Dapat ay may konduktor na nakaupo sa entrance na bahagi ng jeepney.
  3. Dapat ay may face mask at gloves rin ang konduktor.
  4. Maliban sa pagtanggap ng bayad at pagbigay ng sukli, gagawin rin ng konduktor ang pag-spray ng alcohol sa kamay ng mga pasahero.
  5. Dapat ay i-discourage ang pagsasalita sa loob ng sasakyan upang maiwasan ang paglaganap ng virus.

Ang mga nasabing suggestions ay binase ni Trillanes sa mga ginagawa ngayon sa ibang mga bansa patungkol sa kani-kanilang transportasyon.

Ibinigay na halimbawa ni Trillanes ang pagbabalik sa “normal” ng pagsakay ng mga pasahero sa mga public transportation sa mga bansang Japan, South Korea, Taiwan, at Hongkong.

Ayon kay Trillanes, ang araw-araw na eksena sa mga transportasyon sa mga nasabing bansa ay siksikan rin tulad ng sa Pilipinas. Hindi rin nasusunod ang social distancing sa mga bansang ito kapag nasa loob na ng sasakyan. Ang pagkakaiba umano ay lahat ay may masks at available ang mga alcohol pang-spray sa mga nais gumamit nito.

Sa Pilipinas ay marami na rin daw ang gumagamit ng masks, at kung mame-maintain ito na ang lahat ng commuters ay gagamit ng masks ay maiiwasan ang paglaganap ng nakamamatay ng virus ng COVID-19 at maiibsan rin ang kahirapan sa pagsakay patungong trabaho ng mga naghahanapbuhay.

Narito ang post ni Trillanes sa kanyang Facebook account.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...