pilipinas rocks niccolo cosme at ann macau exdds

Fanatics ni Duterte at BBM, si Leni na ikinakampanya ngayon

0 Shares

Pagkampi sa China ni Duterte, patayang kaliwa’t-kanan, paglabag sa karapatan ng tao, corruption, at iba pa ang ilan lamang sa mga nagbukas ng mata ni Niccolo Cosme, isang film at photography artist, laban sa kanyang inidolo at binoto noong 2016 national elections na si PDuterte.

Ayon kay Niccolo, buo ang loob niya noon na tanging si PDuterte lamang ang makakapagpabago ng kalagayan ng bansa. Tulad ng maraming nagoyo, binuhos rin niya ang kanyang lakas para ikampanya ang noo’y Davao City mayor.

“Yes, Isa po ako sa nagpabulag sa mga mabulaklak at sa mga bold promises ni Dutae, I mean, marami naman talaga sa atin ang hoping for positive change sa buhay at sa bansa natin at inakala ko talaga na si Digong ang sagot sa mga hinahanap kong pagbabago,” pambungad sa public post ni Nicolo na ngayon ay umaabot na ng 4k na engagement sa Facebook.

Volunteered for PDuterte

Bagaman walang budget ay nakagawa siya kasama ng kanyang mga kapwa production artists ng video para kay PDuterte.

“At dahil kating kati ako sa pagbabagong ito, I did everything I can to contribute sa campaign nya. I gathered people in advertising and production and we brainstormed and produced an online video campaign for him. “

“As in malala, wala kaming funds but managed to raise funds to put it together. We also produced a photo campaign on the side (see photo below). Kitang kita naman na super proud ako sa mga moments na yan, sabi ko sa sarili ko, change is coming na talaga.”

Teary-eyed kapag napapanood si PDuterte

“Nag aalab ang puso ko, at paminsan teary eyed pa nga seeing Dutae on TV (Tanginuh lang hahaha) I bashed everyone who were against him, I even trashed Roxas’ campaign posters along a street in my hometown. I believed in him and stood by him, he WAS my tatay (insert vomit face here)…”

Unti-unting nakita ang “nabubulok na bangkay”

“After several months, unti unting lumalabas ang baho ng nabubulok na bangkay na nag pe-pretend na presidente. Yung patayan kaliwat kanan na parang bang sumasabay lang sa kumpas ng ma kamay nya is one of the many reasons kung bakit ako nagising sa pagkabulag. “

“As a human rights supporter, na-realize ko that I need to uphold human rights in every possible way. It was not sitting well for me. Marami pang mga broken promises na hindi ko na malunok, lalong lalo na ang lantarang kurapsyon at ang pag pabor sa China kesa sa Pilipinas.”

Ginawa tayong bobo at tanga

“Ang lala lang talaga. Bilang isang DDS at that time, babaliktad lang ba ako agad agad? Ang hirap iluwa ng nilunok mo na. Paano ba? It took me more months to slowly accept and to eventually speak up. Tama na! Sobra na! Ginawa na talaga tayong bobo at tanga. “

Payo sa mga kapwa DDS

“So kung ikaw ang isang DDS until now at binabasa ito. Okay lang, may pag-asa ka pa. Kung tingin mo need mo na kumalas, take your time, we still have enough time to REALLY CHANGE our future. A future where human rights are upheld, a future where Filipinos are ALWAYS FIRST, a future with NO empty promises but more actions! A future with no room for corruption!

Your ex DDSNgayon lumalaban para kay Leni. NC”

Sa link na ito mababasa ang orihinal na post ni Niccolo Cosme.

Si Leni Robredo na ngayon ang kinakampanya

Ang mga dating tagahanga ni Pangulong Duterte ngunit natauhan na ay may Facebook Public Group kung saan mababasa ang kani-kanilang salaysay at karanasan sa pagbabago. Maaari nyong makita ang iba pang pahayag ng mga ex-DDS sa Kwentong Ex-DDS Facebook group.

Tulad ni Nicolo, isa rin si Ann Valdez na dating fanatic ni PDuterte. Nadala rin siya ng mga propaganda ng kampo ni Duterte noon, at na-antig rin ang kanyang emotion laban sa mga “dilawan” dahil sa hatred na itinatanim ng mga pro-Duterte at BBM noong 2016 national eletoral campaign.

Ngunit ngayong 2022 ay si Leni na ang kinakampanya ni Ann na isang OFW sa Macau.

“Ngayon, gusto ng mga DDS at Loyalist na ituloy ng mga anak ng dalawa sa pinaka-CORRUPT na presidente ang “LEGACY” daw nina Marcos at Duterte? Legacy ng CORRUPTION, PAGNANAKAW AT HUMAN RIGHTS ABUSES? – phayag ni Ann sa kanyang Facebook account.

Ano po ang masasabi nyo dito?