pilipinas-rocks-fight corruption start with you

“Fight corruption? Start with you and your friends”, netizens to PDuterte

45 Shares

Bukambibig ngayon ng Palasyo ang pagsugpo umano sa corruption sa gobyerno. Ito ay matapos ang sunod-sunod na mga scandal na kinasasangkutan ng mga taong appointed mismo ni Pangulong Duterte, halimbawa na ay sa Philhealth at DPWH.

Nais ni Pangulong Duterte na gamitin ang natitira pa niyang termino upang labanan ang corruption. Ito rin ang kanyang campaign slogan, kasama na ang paglaban sa ilegal na droga, noong 2016 national election.

Matapos ang halos apat na taon ay mas lumala pa ang sitwasyon ng droga at corruption sa bansa. Maging ang Pangulo ay aminado rin sa bagay na ito.

Alam mo, this country continues to be plagued with corruption,” ayon kay Duterte sa kanyang national address noong Octubre 27.

“I have made a pledge to the people of the Philippines na ’yung oath of office ko, part of it really is to protect government interest. It does not say there, it’s not included, but in its totality that is what it means actually: protecting government interest,” dagdag pa niya.

Marami na ang hindi naniniwala at disappointed sa mga statements na ito ng Pangulo. Ito ay dahil sa napakarami ng mga Senate hearings at pagbubunyag sa mga anomalya sa gobyerno ay wala pang bigtime na mga druglords at mastermind sa corruption na naipapakulong.

Kasabay ng pagsabi ng Pangulo ng paglilinis sa hanay ng gobyerno ay agad niyang inabswelto sina DOJ Secretary Duque at DPWH Secretary Villar, hindi pa man nag-uumpisa ang imbestigasyon. Marami na ring mga senador ang humihikayat kay Duque na mag-resign, ngunit patuloy itong dinedepensahan ni Duterte.

Lalo pang nawalan ng kumpiyansa ang mga tao kay Duterte ng limitahan ng Ombudsman ang pagsasapubliko ng mga SALN ng mga government officials. Sa SALN kasi makikita kung tumutugma ba ang yaman ng isang government official sa kanyang sweldo at position sa gobyerno.

Mula ng umupo si President Duterte sa Malacañang ay hirap na hirap ang mga taong makita ang SALN nito. Dahil ay dito sinagot ng mga netizens si Pangulong Duterte na unahin ang kanyang sarili na paimbestigahan laban sa corruption at maging tunay na halimbawa sa mga government officials sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng kanyang SALN.

Narito ang screenshots ng ilang comments ng mga netizens:

Ano masasabi mo dito?

loading...