pilipinas-rocks-cardinal tagle

Filipino Cardinal Tagle, iniluklok sa mahalagang posisyon sa Vatican!

70 Shares

Mas lalung napalapit ang mga Filipino sa Vatican at kay Pope Francis ng tanghalin nito ang Filipinong si Cardinal Archbishop ng Manila, Luis Antonio Tagle bilang Head ng Congregation for the Evangelization of Peoples o Prefect of Propaganda Fide.

Inanunsyo ang appointment noong Linggo December 8, piyesta ng Immaculate Concepcion.

Ang nasabing posisyon ay kahalintulad ng pagiging miyember ng gabinete kung ihahambing sa MalacaƱang. Kalimitang naibibigay ang pwesto sa mga European cardinals ngunit iniba ni Pope Francis ang tradition. Ibinigay niya sa isang Asian ang nasabing mahalagang pwesto at bukod tanging sa Filipino.

Read: Hindi Sabadista kundi Katoliko ang lalakeng nakahulod sa gitna ng paglindol sa Mindanao

Marami ang nagsasabi na nararapat lamang na isang Filipino ang gumanap sa isa sa mga napakahalagang positions sa Vatican, at ito ay ang pagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo.

Mangyari kasi na halos saan mang sulok ng mundo ay tila may Filipinong makikita. Malaki raw ang maitutulong ng mga Filipinong laganap sa maraming lugar sa mundo upang maihatid ang Magandang Balita ni Jesus.

Si Cardinal Tagle ay malapit sa mga kabataan dahil matagal itong naglingkod sa youth ministry. Siya ang naglunsad ng kauna-unahang pagsasama-sama ng mga kabataang Kristiano sa Imus, Cavite noong 2001.

Labis na nakilala si Cardinal Tagle ng ito ay ma-appoint ni Pope Benedict XVI noong October 11, 2011 bilang Arsobispo ng Manila. Noong November 2012 natanggap niya ang pagkakaroon ng cardinal hat.

SHARE kung proud ka sa natamo ng isang Filipinong Cardinal sa katauhan ni Carinal Tagle!

Click to grab yours now!

loading...