Filipino farmers naghihintay pa rin sa ipinangakong equipments mula sa gobyerno, rice tariff law mag-iisang taon na

602 Shares

Naghihintay pa rin ang mga Filipino palay farmers na matanggap ang ipinangakong tulong na machinery equipments sa ilalim ng rice competitiveness enhancement fund (RCEF).

Mag-iisang taon na ang rice tariffication law na nagbibigay daan sa mga imported rice produce na magkaroon ng mas mababang presyo. Banta umano ito sa mga local farmers. Ang solution raw dito ay ang RCEF kung saan tutulungan ng gobyerno ang mga magsasaka.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring tulong na equipments na natatanggap ang mga magsasaka mula sa national government.

Inamin ni Agriculture Secretary William Dar na wala pa ring naibibigay na ayuda sa mga Filipino farmers patungkol sa ipinangakong equipments. Isinisisi ni Dar ang mabagal na mga proseso sa gobyerno.

Ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ang siyang naatasan na mangasiwa sa pagbibigay ng mga equipments sa mga magsasaka.

Ayon sa RCEF, ang national government ang inaatasan ng batas na magbigay ng P10 bilyon sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga subsidies upang masiguro na hindi masyadong mahihirapan ang mga farmers sa impact ng tariffication law.

Kalahati sa pondong ito ay para sa mechanization, P3 bilyon naman para sa paghahanda ng mga butil ng palay, P1 bilyon para sa mga extension services, at P1 bilyon sa pagpapautang.

Dahil raw sa mga delay sa pagbibigay ng budget ay hindi makakausad ang PhilMech na ganapin ang gawain nito hanggang March ng taong kasalukuyan. Ito ay dalawang buwan ng lampas sa original timeframe at lipas na rin sa panahon ng pagtatanim ng palay.

Nag-request na umano sila sa Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang unreleased funds para sa PhilMech noong nakaraang taon. Positibo naman raw ang response ng DBM sa request na ito.

Ang mga magsasaka na maaaring mabigyan ng tulong PhilMech ay iyon lamang nakalista sa registry system ng farming sector at karamihan dito ay mga miyembro ng mga organisasyon tulad ng cooperatiba at mga asosasyon.

Hindi kabilang ang maliliit na mga magsasaka at nasa mga malalayong lugar at hindi naaabot ng mga irrigations, at mga probinsya na maliit ang rice production.

Habang nalalapit na ang anniversay ng rice tariffication law ay marami ang nagmumungkahi na tingnan muli ito. Ganunpaman, bigyan raw ng pagkakataon ang batas na ma-implement at positibo raw ang magiging resulta nito.

Comments