Float: Bagong Pixar short film na temang pinoy at gawang pinoy!

7 Shares

“Float”

Isinabay sa Filipino American History Month sa Estados Unidos ang pag-announce ng pagpapalabas ng maikling animated film na hango sa buhay ng Filipino American.

“Float” ang title ng nasabing short film. Ito ay gawa ng Pixar at directed ng isang Fil-Am na si Bobby Rubio na nagta-trabaho sa nasabing sikat na kumpanya bilang writer at producer na rin.

Nakaka-proud naman talaga!

Proud na proud si Rubio sa kanyang accomplishment at ambag bilang Filipino sa larangan ng animated films.

Ibinahagi niya ang tungkol sa Float sa ABC7News, isang kilalang news media sa USA na nasa ilalim rin ng Walt Disney Company.

“As a Filipino-American and it being Filipino History Month, I am super proud that this is coming out, and we are making history,” masayang sambit ni Rubio.

Hango sa personal story

“It’s based on my own personal story of my son,” dagdag niya. “In the story, the father is dealing with a son that floats, which makes him different from other children”.

Patungkol sa acceptance ang tema ng pelikula. Sinusundan nito ang mga pagsubok at hirap na pinagdaanan ng mag-ama dahil na rin sa pagiging kakaiba ng anak.

Pinoy looks

Kapansin-pansin na kakaiba rin ang mga physical features ng mga main characters sa Float. Ang tatay ay mas kayumanggi ang kulay at medyo flat ang ilong. Nais kasi ni Rubio na mag-reflect ang pagiging Fil-Am ng mga characters upang mas akma ito sa kwento.

“I know we don’t all look alike, but at the same time, I wanted traits that I had so that it at least felt authentic,” dagdag ni Rubio.

First screening

Nang unang ipalabas ito sa piling audience bilang special screening ay hindi maitago ni Rubio ang kanyang tuwa tuwing magre-react ang mga manonood sa parteng inaasahan niyang magkakaroon ng reaction.

“To see the people react to certain times that you wanted them to react was amazing, and I totally loved it,” dagdag ni Rubio.

Ang “Float” ay ipi-feature sa bagong Disney+ app, isang steaming service mula sa iba’t-ibang CGI film makers kasama na ang Disney, sa November 12 bilang bahagi ng Pixar SparkShorts.

Excited ka na bang mapanood ang Float?

SHARE this article kung proud kang makita ang isang Filipino made at inspired na short film sa helera ng mga kilalang animated movies sa buong mundo!

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page