pilipinas-rocks-from-broken-chairs-to-classroom-wall

From broken chairs to classroom wall. Galing!

13 Shares

Hindi maikakaila sa ating bansa na hirap ang mga guro at mag-aaral sa paghingi ng budget sa gobyerno upang matugunan ang pagsasa-ayos ng mga facilities sa mga paaralang pampubliko.

Ngunit hindi ito problema para sa kay Reynel Calmerin, isang masipag na guro sa South Cotabato.

Maraming natuwa sa ginawa ni Reynel Calmerin ng gawin niyang reading corner ang nakatiwangwang na lumang restroom at gawing decoration naman ang itatapon na sanang mga sirang upuan.

Makikita sa photo at ayon na rin sa pagklaro ni Reynel na ipinost niya sa kanyang Facebook account na patapon na ang mga nasabing sirang silya.

Bagaman walang background sa pagkakarpintero ay pinagtiyagaan ni Reynel na baklasin ang mga pwede pang gamitin at gawin itong palamuti sa lumang restroom na ngayon ay isa nang magandang reading corner.

Dahil sa taglay na ganda ng pagkakaroon ng multi-colored na design ay naisipan rin ni Reynel na lagyan ng “around the world” theme ang nasabing wall.

Na-appreciate naman ito ng kanyang mga grade 6 students at isa na itong paboritong reading corner ng mga bata.

Maging si Mayor Honey Lumayag-Matti ng Polomolok South Cotabato ay natuwa sa initiative na ginawa ni Reynel. Tinulungan ng mayor na makabili ng mga materials at libro upang maging ganap na reading room ito.

Nais ni Reynel na magkaroon ng impact sa iba at maging inspirasyon ang kanyang karanasan sa paghahanap ng solusyon sa anumang maayos na paraan.

SHARE this article to inspire others. Let us know your comments through the box below.

Source: Reynel Calmerin

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page