Gadon, tuluyan ng kinasuhan ni Raissa Robles, posibleng makulong

pilipinas rocks raissa robles vs larry gadon

Tuluyan ng kinasuhan ni Raissa Robles, isang investigative journalist and award-winning book author, si Atty. Larry Gadon dahil sa mga binitawan nitong salita laban kay Robles na mapapanood sa dalawaang online videos.

Isa umanong “belated Christmas gift” ito ni Robles para sa controversial na lawyer at kumakandidato bilang senador sa hanay ni Marcos Jr. Makailang beses na ring napatawan ng suspension si Gadon maging ng Supreme Court mismo.

Sa Quezon City prosecutor office isinampa ni Robles ang kaso laban kay Gadon.

Ayon kay Robles, makokonsidera na “terrorizing, unwanted sexual mysoginistic and sexist statements” ang ginawa ni Gadon laban sa kanya na mapapanood sa isang viral video na puno ng mga salitang hindi magaganda.

Dahil naman sa libro na isinulat ni Robles patungkol sa Martial Law at Marcos regime ay tinawag ni Gadon si Robles na nagpapakalat ng fake news. Si Gadon ay kilalang loyalista ng mga Marcos at Duterte.

Ayon pa kay Raisa, hindi magandang ehemplo si Gadon sa hanay ng mga lawyers lalu’t katatapos lamang ng Philippine Bar Exam.

“It’s sickening to imagine that Gadon, is an example of what a lawyer is especially to those who took the bar exam.. he is a terrible example, a terrible human being”, ayon kay Raisa.

“Is that the mouth you kiss your mother with? the same mouth you poured with filthy language…?” tanong ni Robles para kay Gadon sa online interview ng ANC.

Ayon naman sa lawyer ni Robles na si Atty. Sandra Olaso-Coronel, ang pagsampa ng kaso laban kay Gadon ay hindi lamang para ipaglaban ang karapatan ni Raisa kundi upang ma-test rin ang provision ng batas na ang bawat isa sa online world ay maprotection-an,

Kinumpirma ni Atty. Olaso-Coronel na kasong krimen ang nakasampa at posibleng makulong si Gadon sakaling paboran sila ng korte.

Narito ang post ni Robles sa kanyang Facebook account:

“I would like to inform you guys that last Friday I finally delivered on my promise to sue Larry Gadon. My belated “Christmas gift” to him. Below is an interview this morning of my lawsuits, together with my lawyer, Atty. Sandy Coronel of the Yorac Sarmiento Arroyo Chua Coronel And Reyes Law Firm.The lawsuits are not just for me but for all women who want to engage in political discourse on the Internet but are instead subjected to vile, online sexual abuse.”

0 Shares

Ano masasabi mo dito?