Garrido mocks “powers-that-be” in PHL sports, not entire Philippines

3 Shares

No. Wilfredo Garrido did not mock the Philippines, but the “powers-that-be behind Philippine sports that caused the most promising Filipino chess player to defect abroad”.

Ito ang nais iparating ni Wilfredo Garrido sa publiko matapos umanong ma-misinterpret ang kanyang unang post sa kanyang Facebook account patungkol sa pagkapanalo ni Wesley So sa international chess tournament.

Matapos talunin ni Wesley So ang World No. 1 na si Magnus Carlsen at magbigay ng historic win sa larangan ng chess ay muling naungkat ang sitwasyon ng Philippine Sports. Mangyari kasi ay hindi Pilipinas ang bansang nirerepresenta ni So kundi ang Estados Unidos.

Naisulat sa Spin.ph ang detalye kung bakit lumipat si So ng bansa. Ang pinakarason, sa kabila ng iba pang mga kadahilanan, ay ang hindi sapat na suporta mula sa gobyerno dahilan na rin sa pag-aaway-away ng mga taong namumuno sa Philippine sports.

Ang article na ito mula sa Spin.ph ay pinost ni Garrido sa kanyang Facebook na may caption na “Hanggang #PinoyPride na lang tayo”.

Kung kukunin ang kabuuang context ng post ni Garrido kasama na ang laman ng article mula sa Spin.ph ay ninanais lamang ni Garrido na hamunin ang publiko kontra sa corrupt na sistema ng Philippine sports.

Narito ang susog na post ni Garrido sa kanyang Facebook account:

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page