pilipinas-rocks-corrupt o incompetent

GCTA, hindi layuning baguhin ang listahan ng heinous crimes

183 Shares

Ang RA 10592 o tinatawag na GCTA o Good Conduct Time Allowance ay isang amyendadong batas mula sa isang lumang batas, ang Revised Penal Code act 3815, na isa nang batas mula pang noong taong 1930.

Ang RA 10592 (amendment of 3815) ay naisapinal naman nuong 2013, sa pagsulong ng senado at mababang kapulungan. Ito ay naging ganap na batas nang pirmahan ito ni dating pangulo Noynoy Aquino. 

Maganda ang pakay ng batas, tunay na reporma at pagbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo na tunay na nagbago o nagpakita ng magandang asal at pagsisise habang nasa kulungan. 

GCTA ay amendment at hindi bagong batas na kapalit ng luma

Sa pangalan pa lamang, GCTA o Good Conduct Time Allowance, ay malinaw na ang tinutumbok ng amendment ay patungkol sa pagbibigay ng komutasyon o pagpapababa sa panahong ilalagi ng isang repormadong bilanggo. Hindi nito layunin na paltan ang definition o listahan ng mga heinous crimes.

Atin muling idiin na ito ay amendment o pagbabago lamang ng ilang probisyon sa umiiral na batas ang Revise Penal Code 3815 patungo sa pagbibigay ng tinatawag na komyutasyon sa kwalipikadong bilanggo.

Totoong hindi inisa-isa ng RA 10592 ang mga tinatawag na ‘Henious Crimes’, ngunit malinaw naman sa Section 1. Article 29 ng RA 3815, as amended, otherwise known as the Revised Penal Code, as follows:

“Provided, finally, That recidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are excluded from the coverage of this Act.”

GCTA, hindi kailangan muling isa-isahin ang heinous crimes

Hindi kailangan ng RA 10592 na muling isa-isahin ang Henious Crimes dahil nasasad na ang mga ito sa RA 3815, ang MOTHER LAW RA 10592! 

Katunayan, sinusugan muli ang batas ng RA 7659 noong December ng 1993 na inisa-isa ang tinatawag na Henious Crimes na may pataw ng parusang death penalty, o katumbas ng habambuhay na pagkakabilanggo kung walang death penalty.

Dapat kinokonsedera ang mga batas sa kabuuan

Sa pag-interpret ng kabuong batas ay hindi dapat isolated ang RA 10592. Dapat ay kinokonsidera din ang ilan pang mga batas na sumususug at nagpapalawak sa tamang unawa ukol dito.

Maling interpretasyon: corrupt o incompetence?

Ganun pa man, sa kasalukuyan kaganapan, mukhang inabuso ang batas ng mga nagpatupad, sa anumang kadahilanan; pabor o may kapalit na salapi. 

Nasa sentro ng kontrobersiya si Nicanor Faeldon ang kasalukuyang hepe ng Bureau of Correction. 

Katawa-tawa ang depensa ngayon ng mga nagtatanggol kay Faeldon na sinisise ang batas o ang RA 10592. Dahil ba sa ito ay naisapinal bilang batas nung panahon ni Noynoy Aquino?

Sadyang iniiwas nila ang katotohanan na mayroon nang lumang batas tungkol sa GCTA mula pa nuong 1930, at ang RA 10592 ay dinitalye lamang ang kompyutasyon at nilinaw ang eksempsyon. 

Kaya kung may dapat sisihen ay ang nag-interpret at nagpatupad nito

Ayon sa data, lumalabas na pagupo ni Pangulong Duterte o sa panahon ng kanyang adminstrasyon ay lumobo ang mga napalaya, kasama na ang mga convicted ng henious crimes.

Makikita sa record ng BuCor na mula ng naisabatas ang RA 10592 noong 2013 ay pataas ng pataas ng bilang ng mga bilanggo na napalaya. Mula sa 62 noong 2014 at 105 noong 2015, ay umabot na ito ng 816 pagdating ng 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Mabuti sana kung ang mga napalaya ay totoong nagbago habang nakakulong, at ang provision sa RA 3815at RA 7659 ay hindi nasagasan (hindi kasama ang heinous crimes).

Ngunit dahil sa maling interpretasyon ng mga nagpapatupad ng batas sa BuCor ngayon ay marami ang napalayang questionable ang conduct at kasama sa mga heinous crimes.

Mismong ang Malacañang, sa pamamagitan ni Sal Panelo, ay naniniwalang mali ang interpretation ng BuCor sa RA 10592 at hinimok ang gobyerno na muling arestuhin ang mga napalaya.

Ang diwa ng article sa itaas ay hango sa post ng Pinas Thoughts Facebook Page.

Ano masasabi mo dito?

References: 
Revised Penal Code Act 3815 of 1930
Republic Act 7659 Amending Penal Code 3815 imposes Death Penalty on Heinous Crimes
Republic Act 10592 amending some provisions, more of Commutation of Sentence

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page