pilipinas-rocks-phl robotic team vp leni

Gold medalists PHL Robotics Team, masayang ibinalita ang kanilang tagumpay kay VP Leni

0 Shares

Nagbigay pugay kay Vice President Leni Robredo ang Philippine team na nakakuha ng Champions Award at Gold Medals sa larangan ng world robotic competitions.

Binisita ng mga kabataang pinoy mula sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc. (DYCI) Robotics- Team Philippines ang opisina ni VP Leni upang ihatid ang magandang balita ng pamamayagpag ng galing at talino ng Philippine team sa paligsahan ng robotics sa international arena.

Ang Dr. Yanga’s Colleges, Inc. (DYCI) Robotics- Team Philippines ay umani ng tatlong awards mula sa iba’t-ibang competitions sa mga nakalipas na linggo:

  • Gold Medal sa World Robot Olympiad nitong Agosto lamang
  • Gold Medal sa First Lego Central Europe Invitational noong Mayo
  • Champion’s Award sa First Lego League World Festival noong Abril

Masayang ipinakita ng mga kabataang Filipino ang tagumpay na kanilang naranasan sa mga nasabing competitions kay VP Leni.

Natuwa naman si VP Leni sa mga achievements at opportunities na naibibigay ng kanilang paaralan para sa mga estudyante.

“Pinagmamalaki natin ang kanilang mga tagumpay, at patuloy natin silang susuportahan upang mas mapabuti pa ang kanilang mga kakayahan”, ayon sa post ng official Facebook account ng opisina ni VP Leni.

Hangad rin ni VP Leni kasama ng mga guro at mga mag-aaral na maging inspirasyon ang kanilang tagumpay para sa mga iba pang estudyante na magsumikap na makamit ang mga pangarap.

“Sana ay maging inspirasyon sila sa marami pa nating kabataan, na patuloy na magsumikap at mag-aral nang mabuti para sa kanilang kinabukasan,” dagdag ng nasabing post.

Send cheers to Dr. Yanga’s Colleges, Inc. (DYCI) Robotics- Team Philippines for their success by sharing this article to your friends or use the comment box below.

Source and photos: Vice President Leni Robredo Facebook page

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page