pilipinas rocks roque sinsusuka ng philippine bar

Harry Roque, sinusuka ng kapwa lawyers na mapabilang sa UN ILC

0 Shares

Hindi sang-ayon ang mga kapwa lawyers kay Presidential Spokesperson Harry Roque na maging kandidato sa UN International Law Commission.

Makikita sa post ng PhilStar ang screen-captured na document kung saan nakasulat ang “vehement OBJECTION” ng Philippine Bar na mapabilang si Harry Roque sa mga maaaring maging miyembro ng nasabing UN commission.

Kalimitang itinuturing na isang karangalan para sa isang Filipino lawyer na mapabilang sa UN International Law Commission, ngunit sa halip na matuwa ang mga kapwa lawyers ni Roque ay kumbinsido sila na hindi nararapat si Roque sa nasabing posisyon.

Matatandang nahaharap sa kaso ng crimes against humanity si Pangulong Duterte at inaasahan ang nalalapit na pag-imbestiga sa kanya ng mga otoridad mula sa UN, at sa halip na tumakbo sa national position si Roque ay mas pinili nitong maging commisioner sa UN International Law Commission.

Narito ang mga dahilan ayon sa Philippine Bar:

  • Dinipensahan ni Roque ang extrajudicial killings sa bansa
  • Purveyor ng kasinungalingan at katotohanan si Roque, at sa halip na panigan ang tamang hustisya ay mas pumanig ito kay Duterte.
  • Minaliit ni Roque ang mga resolutions mula sa Permanent Court of Arbitration.
  • Pinaboran ang paggamit ng gobyerno ng batas at dahas upang gipitin ang mga dissenters, activists, at opposition.
  • Sobrang balat-sibuyas ni Roque sa mga legitmate ciriticism. Minsan na niyang sinermonan ang media at mga health professionals na nagpapakita ng mga malamyang policies ng gobyerno.

Maalalang nagsagawa rin ng protesta ang ilang mga Filipino sa US kung saan naroroon si Roque upang ipabatid na hindi rin sila natutuwang maging candidate si Roque na mapabilang sa UN International Law Commission.

Ano ang masasabi mo dito?

Narito ang document na inilathala ng PhilStar: