pilipinas-rocks-HB 92 immediate disqualification of convicted official

HB 92: Convicted officials ay disqualified na dapat agad sa anumang gov’t positions kahit umaapela pa

688 Shares

Hindi alam ng marami na maaari pa ring tumakbo o humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno ang opisyal na nahatulan na ng Sandiganbayan basta’t umapela lamang ito o may peding na appeal sa higher court.

Ito ang dahilan kaya marami pa ring corrupt na officials sa gobyerno at paulit-ulit lamang itong umuupo sa pwesto.

Ito ang loophole na nais i-address ng House Bill 0092 na inihain ni Congressman Edgar Mary Sarmiento, representative ng First District ng Samar.

Layunin ng HB 0092 na hadlangan ang pagtakbo o paghawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno ng mga officials na nahatulan na ng Sandiganbayan. Ang Sandiganbayan ang sangay ng gobyerno na lumilitis sa mga kasong graft and corruption ng mga government officials.

Kahit pa umapela o may pending na appeal sa higher court ang mga officials na nahatulan na ay hindi dapat ito nananatili sa posisyon. Dapat ay lisanin agad ang pwesto.

Patunayan muna ang pagiging inosente bago bumalik sa pwesto

“…nararapat munang patunayan ng mga nahatulang indibidwal ang kanilang pagiging inosente bago muling pahintulutang tumakbo sa kahit anong posisyon sa pampublikong tanggapan”, ayon sa Facebook post ng official account ni Representative Sarmiento.

Ayon sa panukalang batas ay hindi maaaring nakaupo sa pwesto habang pinapatunayang muli ang pagiging inosente, dahil unang-una ay napatunayan na ng Sandiganbayan na corrupt nga ang opisyal.

Corrupt pero kilala ang pangalan

Maraming officials ng gobyerno na nasa pwesto pa rin kahit convicted na sa graft and corruption ng Sandiganbayan dahil sa kilala ang pangalan o maimpluwensya ang pamilya.

Sa HB 0092 ay mabibigyan ng chance ang electorate na bumoto ng kandidatong baguhan ngunit deserving at may malinis na pangalan dahil mawawala na sa pagpipilian ang mga kilala ngunit may bahid ng corruption.

Hangad ng nasabing bill na makatulong sa paglilinis sa hanay ng gobyerno para sa mas maunlad at magandang Pilipinas.

SHARE this article kung suportado mo ang bill na ito.

Maaari rin maihayag ang iyong pananaw tungkol dito sa pamamagitan ng comment box sa ibaba.

Source: Representative Edgar Sarmiento, 1st District Samar

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page