pilipinas-rocks-hidden beach palawan

Hidden Beach sa Palawan, pang-sampu sa Top 20 Best Beaches in the world!

Kabilang ang Hidden Beach sa Palawan sa top 20 best beaches in the world ng Conde’ Nast Traveler. Nag-ranked ito sa pangsampung pwesto.

Una sa listahan ay ang Grand Anse na matatagpuan sa Granada. Pumangalawa ang Honopu Beach, sa Kauai, Hawaii. Sumunod naman ang Keem Bay sa Achill Island ng Ireland. Pang-apat sa listahan ang Fakarava na matatagpuan sa French Polynesia. Hindi rin nagpatalo ang Marathonisi, Zakynthos sa Greece.

Praia Do Sancho sa Brazil, Chesterman Beach sa Vancouver Island sa Canada, Anse Source D’argent sa Seychelles, Seagrass Bay sa Laucala Island sa Fiji, at Hidden Beach sa Palawan ang kumumpleto sa listahan ng sampung magagandang beaches sa buong mundo.

Ang panglabing-isa hanggang pang-dalawampu ay ang mga sumusunod: Ile Aux Cerfs sa Mauritius, Tortuga Bay sa Santa Cruz Island ng Galapagos, Turquoise Bay ng Exmouth sa Australia, Pink Sand sa Barbuda, Playa Manuel Antonio sa Costa Rica, Gantheaume Point sa Broome Western Australia, Dolfynstrand sa Namibia, Ocracoke Lifeguard Beach sa North Carolina, Raudasandur Beach sa Iceland, at Jibei Island Beach sa Taiwan.

“For many people, the beach is the whole point of a summer holiday – a place to sunbathe, swim, read and dream, but also a place of adventure and intrigue, of beginnings and endings,” ayon kay CNTraveler writer na si Lizzie Pook.

Ang Hidden Beach ay hinahangaan dahil sa tila nakatagong sorpresa nito. Kailangan akyatin ng mga bibisita ang isang maliit na opening at kapag nakapasok na ay bubulaga ang isang hindi makakalimutang gantimpala: isang malinis na lagoon, white sand beach na napapalibutan ng limestone cliffs.

“It’s not quite so hidden any more, but this beach still makes its mark as one of the world’s best. Palawan is filled with pristinely beautiful spots but Hidden Beach – surrounded by imposing limestone cliffs and with startlingly bone-white sand – is separated from the turquoise ocean by a small keyhole-like opening, through which visitors must climb in order to access the lagoon,” description nila Pook sa ganda ng Hidden Beach.

SHARE kung proud ka sa angking ganda ng mga beaches ng ating bansa!

Source: CNTraveler

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page