Hindi mo kailangang kumpletuhin ang 12 slots sa pagka-senador

pilipinas-rocks hindi kailangang kumpletuhin ang 12 senator slots

Hindi mo kailangang kumpletuhin ang 12 senator slots sa balota. Bakit kamo? Kasi bawat dagdag mo ng isang pangalan sa balota ay kabawasang boto ito sa mga nauna na sa listahan mo.

Ang mga nauna nang pangalan sa balota mo ay ang mga gusto mo talagang manilbihang senador sa susunod na anim na taon. Kung dadagdag ka ng pangalan na hindi mo naman talaga priority na maging senador ay magiging kabawasang boto ito para sa mga nasa priority list mo.

Priority senatoriables mo

Una ay ilista mo agad ang mga senatoriables na priority mo. Kung tatlo lang yan o anim ay ilista mo agad. Hindi mahalaga ang order, basta nasa priority list mo sila ay isulat agad.

Ang nasa priority list mo ay mga tumatakbong senador na pinag-aralan mo, pinag-isipan mo ang kani-kanilang background at plataporma. Kumbaga ito iyong mga nasa listahan mo na proud kang iboto at handa kang ipaglaban at hanapin sa kanila ang kani-kanilang plataporma at advocacies sakaling maging senador sila.

Halimbawa nito ay sina: Checl Diokno, Sonny Trillanes, Leila De Lima, Risa Hontiveros, Teddy Baguilat, Luke Espiritu.

Kung kaya mong iboto sila na sila lamang ang nasa balota mo sa listahan ng pagka-senador ay mas maganda. Huwag ka nang magdagdag pa ng iba o manghinayang na may mga bakante pa sa balota mo. Tandaan mo na bawat dagdag mo ng pangalan outside from your priority list ay kabawasan ng boto ito sa mga nasa priority list mo. I-explain natin yan sa baba.

“Ok lang” na mga senatoriables

Ngayon, kung gusto mong magdagdag pa ng pangalan maliban sa nasa priority list mo ay ito ang suggestion natin.

Ang sunod na gagawin ay ilista ang mga senatoriables na sa tingin mo ay okay naman o okay lang. Hindi baleng lumampas na sa 12 ang nasa listahan mo, basta ilista mo lang yung “okay naman”.

Sila iyong sakaling manalo ay okay lang din. May tiwala ka rin sa kanila na gagampanan rin nila ang kanilang tungkulin, hindi nga lang sila ang nasa priority mo, pero ok lang din sila.

Halimbawa nito ay sina Neri Colmenares, Dick Gordon, Alex Lacson, Carl Balita, Joel Villanueva, David D’Angelo, Francis Escudero.

Tanggalin sa mga “ok naman”

Tapos sa mga nasa listahan ng “ok naman”, tanggalin mo dito iyong mga kilala na at malamang ay kahit hindi mo iboto ay posibleng makapasok sa Magic 12.

Sa mga nakalista sa taas, pwedeng tanggaling si Chiz Escudero at Joel Villanueva. Kilala na sila at posibleng maging senador uli kahit hindi mo iboto.

Gusto mo pang magdagdag?

Kung sakaling gusto mo talagang magdagdag, doon mo kunin sa mga naiwang pangalan sa “ok naman” list. Huwag mo ng iboto ang mga kilala na at posibleng mananalo kahit di mo iboto.

Lalung huwag mong isama sa balota ang mga wala naman sa listahan mo. Huwag mong gagawin na magdagdag ng pangalan sa balota mo “para lang makumpleto ang labingdalawa”. Kapag ginawa mo iyan ay kabawasang boto ito sa mga nasa priority list mo. Kumbaga ay trinaydor mo ng boto iyong mga nasa priority list mo.

Explain natin

So binoto mo kunwari yung nasa priority list mo: Diokno, Trillanes, De Lima, Hontiveros, Baguilat, at Espriitu. Tapos naisipan mong magdagdag pa ng isa. Kunwari ay idinagdag mo si Tulfo at iba pang matunog na pangalan pero wala naman sila sa listahan mo at “para makumpleto lang ang labingdalawa”. Marahil ay ginawa mo ito para mapagbigyan lang ang kaanak, kaibigan, o kung sinuman, pero hindi mo naman talaga gusto si Tulfo at iba pang idadagdag mo.

So meron kang anim na nasa priority list, at nagdagdag ka ng isa o kinumpleto mo ang labingdalawa.

Ngayong bilangan na ay ipagpalagay na nating pasok na sa Magic 12 iyong lima na nasa priority list mo. Good. Tapos sabihin na nating si Espiritu (na nasa priority list mo) at si Tulfo (na wala sa priority list mo at idinagdag mo lang para makumpleto lang ang labingdalawa) ay parehas nasa pang-13, pero gusto mo sana talagang maging senador ay si Espiritu.

Para makapasok si Espiritu sa Magic 12 ay kailangan nya lang ng isang boto. Pero dahil may idinagdag ka, dahil nagbigay ka ng isang boto kay Tulfo, aangat ngayon si Tulfo ng isa, at si Espiritu ay bababa ng isa. Ibig sabihin, pasok si Tulfo, laglag si Espiritu. Nalaglag ang nasa priority list mo dahil na rin sa pagbigay mo ng boto sa iba

Pero kung hindi ka nagdagdag o nagbigay ng boto kay Tulfo, sa pagkakataon iyong ay nasa pang-13 pa rin si Espiritu. Sakaling malaglag man si Espiritu sa final tally, at least hindi ito galing sa boto mo.

Ito ang dahilan kaya mas maganda talaga na ang ilalagay mo lang sa listahan ng pagka-senador mo ay iyong nasa priority list mo lang. Hindi mo kelangang kumpletuhin ang labingdalawa.

Sana po ay nakatulong ito sa pag-fill-up nyo ng mga ibobotong kandidato sa pagka-senador.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?