pilipinas-rocks-hindi sabadista kundi katoliko

Hindi Sabadista kundi Katoliko ang lalakeng nakahulod sa gitna ng paglindol sa Mindanao

14.5K Shares

Hindi Sabadista kundi Katoliko ang lalakeng makikitang nakaluhod at nanalangin sa gitna ng lindol na dinanas ng Mindanao noong Miyerkules, Octubre 29, ito ang claim ng umano’y pamilya ng mamang nasa photo sa ibaba.

Sa kasagsagan ng 6.6 magnitude na lindol na yumanig sa Mindanao ay nagawa ng mamang makikita sa photo sa ibaba na lumuhod at manalangin kahit na siya ay nasa kalsada.

Dumadaan naman ang isang netizen at nakunan ng picture ang eksenang ito. Matapos ang ilang minuto nang ito ay mai-upload sa Internet ay humakot ito ng maraming attention sa mga netizens.

Naipost rin ito sa ABS-CBN News Facebook page at lalu pang kumalat at naging viral. Nagbibigay kasi ito ng inspirasyon sa mga tao sa kabila ng kalamidad na dinadanas ng marami.

Ganunpaman, hindi doon natapos ang kwento. Isang nagngangalang Eric Mendoza ang nag-comment sa uploaded photo at sinabing ama niya ang lalaking makikita sa larawan. Nagpakilala si Eric bilang miyembro ng Seventh day Adventist Church o mas kilala bilang Sabadista, isa sa malalaking religious groups na may active members sa buong mundo. Hindi rin malinaw kung totoo nga ang claim ng nagpapakilalang Eric Mendoza.

Dahil dito ay mas lalu pang naging viral ang nasabing photo dahil sa ito ay ikinalat na rin ng iba’t-ibang Facebook groups, pages, at personal accounts ng mga Sabadista.

Hindi nagtagal ay may nagpakilalang muli na kamag-anak umano ng mamang nasa photo at sinabing hindi Sabadista ang lalake kundi miyembro ng Simbahang Katoliko.

Nagbigay sila ng ilang mga photos na nagpapatunay daw sa kanilang claim. Makikita sa photos na may lalaking nakatayo sa harap ng maraming rebulto at ang kulay at suot kasama narin ang bag na dala nito ay halos parehas ng nasa photo na naging viral.

Ayon naman sa marami ay hindi na mahalaga kung ang nakaluhod na mama ay Katoliko o Sabadista. Ang mahalaga raw ay nanalangin ito sa Dios sa gitna ng kalamidad.

Ano masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page