pilipinas-rocks exdds hindi siya para sa mahihirap

ex-DDS: “Hindi sya para sa mahihirap, naaapi, makasarili sya na walang pakiaalam sa mga taong matatapakan nya!”

693 Shares

“Binoto ko sya, sinuportahan. Sa paniniwalang kailangan ng pilipinas ng taong katulad nya na matapang at may paninindigan, handang ibigay ang sarli para sa bayan, handang puksain ang mga elementong nagpapahirap sa bansa gaya ng droga.

Sinubaybayan ko sya nung una, lalo na doon sa war on drugs, naniwala naman talaga ako hanggang sa ngayon actually na maraming tumino at mas naging safe tayo nung makulong ang mga pusher. Nung una rin pinilit ko i-tolerate pagmumura nya, mga masasamang salita patungkol sa simbahan, amerika, etc, kasi para sakin mabuting tao parin sya, may puso para sa mahihirap at naaapi. May mga nagagawa rin naman syang mga proyekto ng gobyerno like mga kalsada at pag aayos ng mga government agencies.

Ganon pa man may mga naririnig nakong masasamang bagay patungkol sa kanya pero diko nalang pinapansin. Yung sa west phil. sea, yung sa pogo, bong go, yung sa rapler, etc. Then later last year, yung abs-cbn pinag diskitahan nya, akala ko just a simple angst lang.

Screenshot ng pagsuporta ni Oliver Angeles kay Duterte.

Akala ko hindi nya masisikmura na maraming tao ang maghirap kung magka problema abs-cbn. Then come this Covid-19 pandemic, sumunod naman tayo sa gobyerno, tapos in the midst of the pandemic nagpa issue ng cease and desist sa abs-cbn, then dinamay pa ang tv plus, then yung sky direct. Hanggang sa tuldukan na nila ang franchise ng abs-cbn!

Ngayon, masakit man tanggapin sa sarili ko na nagkamali ako, yon talaga ang totoo, nagkamali ako ng pagpili kay duterte! Hindi sya para sa mahihirap, hindi sya para sa mga naaapi, makasarili sya na walang pakiaalam sa mga taong matatapakan nya!

Walang hiya at walang awa sa mga taong mawawalan ng trabaho lalo na ngayong panahon ng pandemic. Sana lang talaga magising narin yung iba, mga kapamilya ko, kaibigan ko. At sana rin hindi ako magkamali sa susunod na pipiliin kong pinuno mg bansa.”

Ang testimonyang nabasa sa itaas ay mula sa dating humahanga kay P. Duterte na si Oliver Angeles.

loading...