pilipinas-rocks-hindi pinagkakatiwalaan tapos iaa ppoint

Hinusgahan na ‘di kaya, tapos ia-appoint. Anong logic meron?

435 Shares

Anong purpose ng pag-appoint kay Vice President Leni Robredo kung mismong ang mga heads ng PDEA at DILG at maging si President Duterte mismo ay sinabing walang kakayanan ang Bise Presidente na labanan ang illegal drugs?

Ganito ang mga sentimyento ng mga netizens na sumusuporta kay Vice President Robredo ng maibalitang pormal ng inalok ni Pangulong Duterte si VP Leni na solusyunan ang illegal drug problem sa bansa.

“What is the purpose of an appointment when the appointing power and his subalterns have declared that the appointee is not fit for the job? If one does well they will do all they can so that the appointee would fail”, tanong ni Pedro Obligado.

Ayon naman sa iba ay isang patunay na “failure” umano ang gobyernong Duterte lalu na prime program nito na war on drugs.

“Hugas kamay! What a failure this government is! “, ayon kay Ace Woo.

Malinaw naman sa iba na ang pagbibigay ni Pangulong Duterte ng position kay VP Leni na labanan ang illegal drugs ay isang trap lamang.

“A trap waiting only to be blamed on the failure of the 3 – 6 months promises? The VP should move carefully in handling this should she wish to accept the appointment”, ayon kay Liby Tesremos.

Tyak umano na papalpak si VP Leni kapag tinanggap ang hamon ng Presidente dahil wala namang kakayanan kahit sino na tapusin ang problema ng illegal drugs sa 3-6 months. Tanging Pangulo lamang ang nagyabang na gagawin ito.

Dahil dito ay nakikita ng marami na gagamitin ng kritiko ng Vice President ang posibleng kapalpakang ito sa darating na susunod na halalan.

Kaya nga ang tanong ng marami ay “bakit ia-appoint ang isang tao na ayon sa assessment mo ay hindi kayang gawin ang itatakdang trabaho”?

Muli ay nagpapakita ito na ang hamon ni Pangulong Duterte ay hindi talaga para labanan ang illegal drugs kundi gamitin ito sa larong pulitika.

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page