pilipinas-rocks-hannah mark valentines

Huli ang “pambabae” ni Mark noong Valentine’s Day!

3 Shares

Tatlong ka-date sa isang araw lamang ang nadiskubre ng isang netizen patungkol sa kanyang “kasintahan” matapos ang Valentine’s Day.

Sa post ni Hannah Blaine Gaas ay ipinakita niya ang tatlong photos na kung saan ay makikita ang kanyang “nobyo” na si Mark na may ka-date na dalawa pang babae noong Valentine’s Day.

Ang malala nito ay sa iisang lugar silang tatlong babae nai-date ng kanyang nobyo ngunit sa magkakaibang oras.

May kutob na si Hannah sa kabulastugan ng kanyang nobyo dahil sinabi nitong natatakot siyang magpost ng kanyang Valentine’s photos dahil baka magkaroon ito ng pagkakapareha sa iba pang mga babae.

Hindi nagtagal sa kanyang pagi-scroll ng kanyang social media account ay nakita nga niya ang kanyang nobyo na may ka-date rin na iba noong Valentine’s, hindi lamang isa kundi dalawa pa. Tatlo na sila ngayong nai-date ng kanyang nobyo sa iisang lugar.

Hanep din naman si kuyang ano?

Ganyan ang impression ng mga taong nakabasa ng post ni Hannah. Marami ang naniwala na “babaero” nga si Mark. Ngunit nilinaw ni Hannah sa iba pang post na katuwaan lamang ang nangyari.

loading...