pilipinas-rocks-aregluhan kotong

Huli ka! P2,000 pangongotong nakunan ng video

117 Shares

Foreigner: “Where in the receipt that shows that I gave you 2,000 pesos?”

Traffic enforcer: “That’s areglo. Aregluhan na lang po kaya ganyan.”

Makikita sa video kung paano nakakuha ng P2,000 ang isang traffic enforcer mula sa isang foreigner at kasama nitong Filipina.

Hindi naipakita sa video kung anong violation ang nagawa ng foreigner na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Nag-umpisa ang video kung saan may sinusulat ang traffic enforcer sa kanyang pad sa harap ng sasakyan. Maya-maya ay lumipat ito at itinuloy ang pagsusulat.

Habang naghihintay ay maririnig ang pag-uusap ng foreigner at ng kanyang kasama na pumayag sila na magbigay ng halagang P2,000 basta’t may kasama itong resibo.

Dito na bumalik ang traffic enforcer at nagtanong sa kanila kung “okay na po?” Sinagot ito ng babae at sinabing “okay na sir” dahil tila nagmamadali sila at ayaw abutin ng hassle sa pag-claim ng lisensya sa city hall.

Malinaw na humihingi ang babae ng resibo, ngunit traffic violation ang pinapakita ng traffic enforcer. Dahil sa “one ticket policy” ay hindi na umano sila haharangin ng ibang traffic enforcers ipakita lamang ang ticket.

Matapos pumirma ang foreigner sa traffic violation ay hinanap nito ang figure na P2,000 sa papel ngunit hindi ito makita. Malinaw na ang P2,000 ay isang halaga na hindi dapat makita sa resibo. Ayon na rin sa traffic enforcer ang nangyari ay isang “aregluhan”.

Aregluhan kaya walang resibo

Panoorin kung paano nakakuha ng P2,000 ang isang traffic enforcer mula sa isang foreigner.

Posted by Pinoy Simple Thoughts on Tuesday, August 6, 2019

Ano masasabi mo dito? Paano ang tamang solution sa problemang ito?

Comments