ice cream cart all pink leni robredo

All-pink ice cream cups, laban sa corrupt at para sa tunay na pagbabago

0 Shares

Malakas at malinaw ang dating sa mga ordinaryong Filipino sa panawagan ni dating Senador Bam Aquino na ipakita sa publiko ang kanilang suporta sa pagtakbo ni VP Leni Robredo sa pagka-Pangulo.

Ayon kay Bam Aquino, ngayon ay campaign manager ni VP Leni, dehado sa pondo at political machinery ang kampo ni VP Leni kung ikukumpara sa kanyang mga katunggali, ngunit nagtitiwala sila sa suporta at ambag ng bayan para ikampanya si Leni Robredo. Ito raw ang itinuturing na “true people’s campaign”.

Isa sa pagpapakita ng suporta kay VP Leni ay ang pagsuot o paggamit ng pink na kulay, ang piniling kulay ni VP Leni sa kanyang presidential run.

Makikita sa post ng isang netizen na si Ines Bautista-Yao ang isang ice cream vendor sa Quezon City. Sa larawan ay gamit ng sorbetero ang mga pink na cups sa kanyang pagtitinda ng ice cream. Maaaring isipin ng iba na ito ay nagkataon lamang, ngunit para mas malinaw ang mensahe ng sorbetero ay naglagay sya mismo ng sticker na may pangalan at larawan ni Leni Robredo.

“My sister discovered the ice cream seller outside my house with all his pink cups for Leni,” ayon sa post ni Ines. “He told her he’s campaigning for her because he wants a change, he’s tired of the corruption and we need someone who is not corrupt!”

Ayon pa rin sa mamang sorbetero, ang mga tulad niyang hikahos sa buhay ang labis na naaapektuhan ng incompetence ng gobyerno kaya minabuti niyang suportahan si Leni. Sa maliit na bagay raw na ito ay makakatulong siya para sa tunay na pagbabago.

Walang pagdadalawang isip na all-pink at may sticker ni Leni ang inilagay ng ice cream vendor sa kanyang cart sa kabila nang maaari itong maka-apekto sa kanyang kita. Buo ang loob ng sorbetero sa pagsuporta kay Leni Robredo.

“Seeing the ice cream vendor do something like this, change all his cups to pink and display a Leni sticker on his cart just shows how people really want to help with her campaign,” dagdag ni Ines. “And people are willing to do what they can to turn the fate of our country around.”

Ang “maliit na bagay” na ipinakita ng ice cream vendor ay malaki ang impact sa mga tulad ni Ines. Naramdaman niya ang kaseryosohan ng adhikain ng mga ordinaryong mamamayan para sa tunay na pagbabago.

Kuya ice cream vendor shows us that it doesn’t matter how small an act it is, we just have to do something. Our small acts of support will multiply and grow,” dagdag ni Ines sa kanyang post.

Ano ang masasabi mo dito?