pilipinas-rocks-igorots wooden bikes

Igorot wooden bikes, hanep sa designs!

86 Shares

Kalimitang kinasisindakan ang mga biker gangs dahil sa kakaibang mga suot nito: dark leather jackets na may mga designs ng bungo, baril, at iba pa at malalakas na tunog ng kanilang mga motorsiklo.

Ngunit kakaiba ang mga Igorot bikers na ito na matatagpuan sa Batad, Ifugao, Philippines. Makulay na bahag, ang kanilang traditional na pananamit, at “motorsiklo” na yari sa kahoy! Walang ingay ng makina ang kanilang mga “motorsiklo”.

Yari kasi sa kahoy at pinaandar sa pamamagitan ng pagtulak ng paa ang kanilang mga bisekleta, scooter ika nga.

Photo by Richard Haw

Kilala ang mga Igorot na magagaling sa paggawa ng mga artworks na yari sa kahoy. Marami silang mga estatwa, laruan, souvenirs o anupamang mga bagay-bagay na yari sa kahoy.

Hindi naman inaakala ng marami na pati ang disenyo ng motorsiklo at ang paggamit nito sa kalye ay kaya rin nilang gawin.

Iba-ibang desinyo ang makikita sa kanilang mga bikes. Mayroon leon, tamaraw, agila, dragon at marami pang iba. Sinasakyan nila ito at pinaparada sa mga kalye, isang bagay na nagbibigay kulay sa ordinaryong streets ng Ifugao City.

Photo by Richard Haw
Photo by Richard Haw

Marami ang natutuwa na makita ang biker gangs na ito na “humaharurot” sa kalsada sakay ng kanilang wooden bikes at gamit ang kanilang mga paa. Totoong agaw attention ang gang na ito na sumasabay sa mga modernong sasakyan tulad ng jeep at mga motorsiklo.

Bagaman simple lamang ang pamumuhay ay nagagawa ng mga Igorot na panatilihin ang kanilang identity at kulturang ambag sa bansang Pilipinas.

Photo by Richard Haw

Ang mga bikers na ito ay patunay lamang na totoong “it’s more fun in the Philippines”!

Send cheers to this gang by sharing this article to your friends or writing your best wishes in the comment box below.

Source: EliteReaders, Richard Haw

loading...