pilipinas-rocks Jeanyfer Ozbot

Ilongga beauty panalo sa Miss Asia Global 2019 sa India

11 Shares

Matagumpay na naitaas ni Miss Philippines Jeanyfer Garvilles Ozbot ng Iloilo City ang watawat ng Pilipinas sa international beauty pageant na ginanap nitong Oktubre 24 hanggang November 1, 2019 sa Kochi, India.

Nakuha ni Ozbot ang 2nd Runner-up title matapos mangibabaw ang kanyang ganda at talino mula sa dalawampu’t dalawa pang mga kandidato mula sa iba’t-ibang bansa.

Nakapasok ang Philippine beauty sa Top 4 titleholders ng Miss Asia Global 2019. Ang iba pang mga titleholders rin ay ang mga sumusunod:

Miss Asia Global 2019 – Sara Damnjanovic, Serbia
Miss Asia 2019 – Nguyen Thi Yen Trang , Vietnam
Miss Asia Global 1st Runner-up – Lesseul Kim , Korea
Miss Asia Global 2nd Runner-up – Jeanyfer Garvilles Ozbot, Philippines

Isinayaw ni Ozbot ang “Pansak Si Laley”, isang traditional na Yakan dance sa panahon ng talent competition, at inirampa nito ang modern Filipiniana terno na dinsenyo ni Joemel Lampareo Jaleco para sa kanyang national custume.

Ang nasabing terno ay hango sa native Filipino textile na hablon at patadyong. Makulay ito at sinasabing sumasalamin sa character ni Ozbot bilang “gratfully confident with extraordinary charisma and bravery”.

Gamit ang social media ay nagpasalamat ang Ilongga beauty queen sa mga sumuporta sa kanya at tumulong upang makamit ang tagumpay. Kasama sina Carlo Simoy, Otet Patrimonio, Jeff Ticao, at Jeomel Jaleco sa mga pinasalamatan ni Ozbot. Ang mga ito ang naghanda ng kanyang long gown, cocktail dress, daily wardrobes, at national costume.

”It is with deepest appreciation and sincere gratitude I say thank you. Thank you kababayan, friends, and family,” ang mababasa sa post ni Ozbot.

“I Hope I made you all proud! Another Dreams Turn into Reality. Always and forever I will raise our flag, Philippines,” dagdag pa niya sa separate posting.

SHARE this news bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga kababayan nating patuloy na nagbibigay ng pride at honor sa ating bansa!

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page