pilipinas-rocks-imelda marcos sanchez

Imelda Marcos, isinulong ang pagpapalaya kay convicted rapist Antonio Sanchez taong 2017 pa

89 Shares

Bago pa man pumutok ang balita at naunsiyaming pagpapalaya kay convicted rapist at murderer former Calauan Mayor Antonio Sanchez ay nauna nang hinimok ni dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos ang pagbibigay ng clemency sa pamamagitan ni Pangulong Duterte halos dalawang taon na ang nakakaraan.

Ayon sa document ay May 29, 2017 pa nang sumulat si Imelda Marcos kay Pangulong Duterte para palayain si Sanchez.

Nabanggit ang pangalan ni Imelda Marcos sa Senate hearing patungkol sa GCTA.

Ayon sa asawa ni Sanchez na si Elvira, sinabihan daw sila ng Board of Pardons and Parole bilang suggestion na maghanap ng recommendations para sa mas ikatitibay ng posibleng pagpapalaya kay Sanchez.

“Nung nag-apply kami sa Board of Pardons for executive clemency ni former mayor Antonio Sanchez, si Director Reynaldo Bayang asked for recommendation from our friends. That is what we did,” pahayag ni Elvira.

At isa nga sa mga kaibigan ng pamilyang Sanchez ay ang pamilyang Marcos.

Ang pagkakaroon ng “advanced age” (71 years old noong ginawa ang sulat), “failing health”, at pagkakaroon ng good conduct ang mga dahilan ni Imelda Marcos kung bakit dapat daw palayain si Sanchez.

Ngunit maraming nagku-question sa “good conduct” ni Sanchez sa loob ng kulungan. Nahulihan rin kasi ito ng shabu na itinago pa sa paanan ng estatwa ni Birheng Maria.

“Your utmost consideration on the case of Former Mayor Antonio Sanchez is highly appreciated” ayon sa sulat ni Imelda Marcos.

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page