stiff neck japanese encephalitis pilipinas rocks

Inakalang stiff neck, ikamamatay na sakit na pala!

Ikinuwento ng nanay ni Jessica Licayan ang malungkot na sinapit ng kanilang dalagita nitong nakaraang Pebrero. Ayon sa ina ay inirereklamo ng anak ang pagkakaroon ng stiff neck at ito ay inakala lang nilang normal na muscle pain. Ngunit nasabayan ito ng lagnat dahilan upang ipatingin nila ang 15 anyos na dalagita sa doctor. Maayos pa raw ang resulta matapos ang check-up.

Ngunit biglang naging malubha ang kalagayan ng dalagita. May pagkakataon na nagha-hallucinate raw ito at nakakakita ng kung ano-ano, nagpapakita na malayo sa realidad ang kaisipan ng dalagita.

Inakala nilang dengue ang sakit ng anak at dinala nila ito sa isang ospital sa Maynila. Isinuri ngunit naging negatibo sa dengue. Pumanaw si Jessica nitong Marso.

Japanese encephalitis ang ikinasawi umano ni Jessica ayon sa mga doctor. Tulad ng sa dengue ay nakukuha ang sakit na ito sa kagat ng lamok.

Ayon sa Department of Health (DOH) ay umaabot na sa 300 ang kaso ng Japanese encephalitis sa bansa, at 22 kaso nito ay nangyari sa Pampanga. Ilan sa mga sintomas ng sakit na ito ay lagnat, pagsusuka, hirap sa paggalaw, at sakit sa ulo. Ang payo ng mga doctor ay kaagad magpa-konsulta sa mga espesyalista sakaling kaikitaan ng mga sintomas.

Sa ngayon ay wala pang gamot sa nasabing sakit pero may mga bakuna na para maiwasan na tamaan nito. Nagkakahalaga ng P3,500-P5,000 ang bakuna na available sa mga pribadong clinic o ospital.

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *