pilipinas-rocks-duterte albayalde

Incompetent at shady background, pero naitalaga pa rin as PNP Chief. Bakit?

Maging si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Dick Gordon ay kumbinsido na maraming kapalpakang nangyari sa anti-illegal drug operation ng mga police sa Mexico Pampanga noong November 2013.

Maraming witnesses at documents ang nagpapatotoo na maraming ireguralidad na nangyari sa nasabing anti-drug operation.

Nasisante si Albayalde dahil sa incompetence

Ang noo’y nakaupo bilang Central Luzon PNP head ay si Oscar Albayalde na ngayon ay PNP Chief na.

Matapos ang pag-evaluate ng mga ebidensiya at accounts ng mga witnesses at respondents ay kasamang naparusahan si Oscar Albayalde. Ayon sa utos ng noo’y PNP Chief Director General Alan Purisima sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay sinisante sa pwesto si Albayalde.

“Doctrine of command responsibility” ang pinagbasehan ng desisyon ni Purisima laban kay Albayalde. Hindi nagawa ni Albayalde na patawan ng tamang action ang mga pangyayari bilang Central Luzon PNP chief sa kabila ng binigyan ito ng pagkakataon.

Ang pagkakasisante ni Albayalde sa pwesto ay nagpapakita ng incompetence nito sa pagtupad ng kanyang trabaho.

“Nag-intervene” sa kaso ng mga ninja cops

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Aaron Aquino ay nag-intervene umano si Albayalde sa kaso ng mga ninja cops.

Ayon sa pahayag ni Aquino sa Senate hearing noong October 1, Tuesday ay tinawagan umano siya ni Albayalde noong 2016 patungkol sa kaso ng mga ninja cops na napipintong mai-dismiss.

“Sinabi niya sa akin, Sir, for the meantime, baka puwedeng ipa-review muna ‘yan, kasi gusto kong malaman kung ano talaga ang mangyayari sa result ng investigation na iyan,”  ayon kay Aquino.

“Mga tao ko yan”

Tinanong ni Aquino si Albayalde kung bakit ito nagre-request.

Kasi, Sir, mga tao ko ‘yan,” dagdag ni Aquino sa kanyang testimonya.

Inamin naman ni Albayalde ang nasabing pag-uusap nila ni Aquino ngunit ito daw ay hindi para impluwensiyahan si Aquino kundi upang alamin lamang kahihinatnan ng mga sangkot na police.

“Yes, I asked for the status – only the status. I could not possibly influence an RD or an upperclass. I’m just an acting NCRPO then. Because people are just asking me the fate of these policemen,” paliwanang ni Albayalde.

Matapos ang testimonyang ito ni Aquino ay tinanggalan siya ng escorts ng PNP. Sobra na daw kasi ang dami ng escorts ni Aquino at maraming police ang kailangan para sa SEA Games. Ngunit kinalaunan ay ibinalik din ang mga escorts kay Aquino.

Itinalaga ni P. Duterte bilang PNP Chief

Nang umupo sa pwesto si Pangulong Duterte at sa napipintong pag-alis ni General Bato Dela Rosa as PNP Chief ay muling lumabas sa media si Albayalde at naging “frontline” at “talking head” ng PNP.

Kinalaunan ay naitalaga si Albayalde bilang PNP Chief.

Malinaw sa mga testimonya na shady ang background ni Albayalde.

Kaya ang tanong ng marami: sa kabila na shady ang background at may history ng incompetence si Albayalde, bakit itinalaga pa rin ito ni P. Duterte bilang PNP Chief?

Ang second-in-rank na posibleng pumalit kay Dela Rosa noon ay si Deputy Director General Ramon Apolinario.

Ano ang masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page