trillanes muling hinamon si duterte

IT’S YOUR TURN NOW, Pres. Duterte, to sign the bank waiver kung talagang malinis ka. Tama na mahigit isang taong pag-iwas at pambobola!

Tumalbog na parang sampal sa Pangulong Duterte ang pag-akusa nito kay Trillanes ng pagkakaroon ng mga bank accounts sa iba’t-ibang bansa. Maaring hindi inaasahan ng kampo ni Duterte na mauuwi sa pirmahan ng bank waiver ang pagdidiinan ni Senator Antonio Trillanes IV.

Maalalang lampas isang taon na na iniiwasan ng Pangulo ang hamon ni Trillanes na pumirma ng bank waiver upang mapatunayan na mali ang kanyang mga alegasyon. Matatandaan rin na pumirma ang Pangulo na ipakita sa publiko ang summary ng laman ng kanyang bank accounts. Ngunit hindi ang summary ang pinag-uusapan, bagkus ay ang pagpirma ng bank waiver na kung saan ay makikita ang pagpasok at paglabas ng pera sa isang account.

Ipinakita ni Senator Trillanes sa media ang mga pirmadong bank waivers para makita ang katotohanan sa alegasyon sa kanya ni Pangulong Duterte na marami umano siyang offshore bank accounts. Ang nasabing waivers ay naipadala na sa AMLAC at Ombudsman ayon sa Senador.

“Gumawa ako ng tig-iisang waiver. Pinirmahan ko ito, duly notarized and received by the Anti-Money Laundering Council. Iyong sa Ombudsman ay nandoon na rin… Twelve ito lahat,” ayon sa Senador.

“Just to show na wala akong tinatago. Ito ay open for scrutiny. Andiyan na sa kamay ng AMLAC. Ngayon, ako naman ibabalik ko kay Duterte ang hamon. Nagparatang ka sakin. Pinirmahan ko ang waiver. Nagparatang ako sayo, isang taon na, iniiba mo ang usapan,” dagdag ng Senador.

Maalalalang inakusahan ng Pangulo si Trillanes sa gitna ng pagsabog ng issue tungkol sa tattoo umano ni Paolo Duterte, Vice Mayor ng Davao City, na magpapatunay na miyembro umano ng drug at smuggling syndicate triad ang anak ng Pangulo.

Kasabay ng akusasyong multiple offshore bank accounts ni Trillanes ay ang pagpakalat sa social media nito. Ayon sa Senador ay pangunahing sina Erwin Tulfo, Mocha Uson, at may-ari ng Davao Breaking news website ang nagpakalat ng mga nasabing bank accounts. Dahil dito ay planong kasuhan ng Senador libel ang tatlong personalidad.

Muling hinamon ni Trillanes ang Pangulo na pumirma na sa bank waiver kung wala talaga itong tinatagong corruption.

“Marami kang sinasabi ‘Sige, buksan nyo!’ Di pwedeng boka-boka diyan, kailangan mo pumirma ng waiver. Kung matapang ka, ‘di ka corrupt, pumirma ka ng waiver gaya ng ginawa ko ngayon, addressed sa AMLC at Ombudsman. Alam ko ‘di mo ‘yan gagawin dahil duwag ka sa katotohanan. Alam ko na kurakot ka, gaya nung iyong pamilya,” dagdag ng Senador.

Panoorin sa baba ang buong presscon ni Senador Trillanes.

 

(video from Rappler)

You may also like...

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *