pilipinas rocks jefry tupas sara duterte davao drug raid pinatakas

Photo screengrab from Newsline Philippine Youtube video.

Jefry Tupas pinatakas, ayon sa mga naaresto sa drug bust sa Davao de Oro

0 Shares

Pinatakas raw ng mga PDEA agents si Jefrey Tupas sa controversial na drug raid sa beach party noong November 6 ayon sa mga nahuling partygoers.

Si Jefry Tupas ay ang information officer ni Sara Duterte hanggang sa mangyari ang drug bust operation.

Sa panayam ng Newsline Philippines reporter na si Edith Caduaya, malinaw ang pagkakabanggit ng mga partygoers na pinatakas umano si Jefry Tupas ng mga nag-raid sa kanila. Walang pagdadalawang-isip na ang tinutukoy nila ay si Jefry Tupas, ang nobyo nito, at ilan pang mga kasama sa beach party.

Daghan man bisita; naa pay taga Manila (There were many guests; there were even those from Manila),” ayon sa isang naaresto.

Masama ang loob ng mga nahuli dahil halos nasa 50 raw silang nandun sa party ngunit 17 lamang ang hinuli. Marami raw ang mga professionals ang nandun ngunit marami din sa iyon ay pinatakas.

Hindi tama at unfair ang pagkakahuli sa kanila gayong marami ang pinatakas, ito ang pagsasaad ng sama ng loob ng mga nahuling lumabag umano sa batas laban sa dangerous drugs.

Inamin naman ni Jefry Tupas na umattend siya sa party kasama ng kanyang boyfriend at iba pang kaibigan ngunit umalis rin daw papuntang Davao City isang oras bago dumating ang PDEA.

Habang nakadapa ang mga naabutan sa raid ay sinabihan raw sila na kumalma lang, habang nag-umpisang tumawag ng mga pangalan ang mga pulis.

Nang tinanong ng reporter kung sino ang unang pangalan na binanggit ng mga pulis, “Jefry Tupas!” ang halos sabay-sabay na sagot ng mga naaresto.

Pagkatapos nito ay lumapit raw si Tupas sa mga pulis at sinabing “Staff ko ni Inday Sara, unsa ni sir? (“I’m a staff of Sara, what’s this about, sir?”), at sa pagkakataon iyon ay kinuha nila si Tupas papalayo, ayon pa rin sa mga nakakulong ngayon.

Maya-maya pa ay tinawag rin ang boyfriend ni Tupas at ilang pang kasamahan.

Wala mi nag expect na ipatakas na diay sila (We did not expect that they would let them escape),” dagdag ng isa pang naaresto.

Sa 17 na naaresto, 14 lamang ang nagpositibo sa illegal drugs tulad ng shabu, marijuana, at ecastasy.

Nang tinanong ng Newsline Philippines reporter si Aileen Lovitos, PDEA Director ng Davao Region, kung bakit wala sa naaresto si Tupas gayong present raw ito sa panahon ng drug raid ay inilihis nito ang sagot sa 17 na naaresto sa halip na sagutin ang patungkol kay Tupas.

Kana among statement, and we will stand by it (That is our statement, and we will stand by it),” ayon kay Lovitos.

Formal ng sinampahan ng kaso ang mga naaresto kasama na si Revsan Ethelbert Papey Elizalde, host ng nasabing beach party.

Source: Newsline Philippine, Rappler