pilipinas-rocks-josie rizal tekken 7

Josie Rizal, virtual national hero ng Filipino online gamers?

0 Shares

Believe it or not, may online gaming character na Filipina at halos kapangalan pa ng national hero ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

2015 pa ng maisama sa mga TEKKEN fighters ang character na si Josie Rizal.

Si Josie Rizal ay isa sa kinagigiliwan na character sa online fighting game ng TEKKEN 7. Suportado ang Filipina character ng milyong manlalaro sa buong mundo, lalu ng mga pinoys.

Si Katsuhiro Harada, creator ng TEKKEN project, ang nakaisip na isama si Josie sa kanyang sikat na online game. Na-inspire si Harada sa buhay ni Jose Rizal at ito ang nagbigay idea sa kanya na magsama ng Filipino character sa TEKKEN.

Ilan sa costumes ni Josie ay hango sa mga simbolo na makikita sa Philippine flag.

Prominente sa fighting skill ni Josie ang paggamit ng arnis na kilalang martial art style ng mga Filipino. Makikita rin ang mala-Pacquaio moves ni Josie sa pakikipaglaban nito sa kanyang mga katunggali.

Ayon sa fightersgeneration.com, may dalawang bagay na pinagkakaabalahan si Josie, ito ay ang pagiging professional model at kickboxer. Mahiyain at hindi mahilig sa tunay na away si Josie, ngunit kapag kailangang depensahan ang sarili ay lumalabas ang galing nito sa pakikipagbakbakan.

Nai-feature na rin si Josie sa iba’t-ibang local news, YouTube reviews, at iba pang mga blog at articles.

Panoorin sa video sa ibaba kung paano makipaglaban ang Filipina fighter sa TEKKEN 7. Ano masasabi mo dito?

Source: tekkenchannel

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page