pilipinas-rocks-jovie espenido kasama sa drug list

Jovie Espenido nasa drug list ni PDu30 mismo. Alin ang palpak, drug list o war on drugs?

422 Shares

Si Lieutenant Colonel Jovie Espenido na laging pinupuri ni Pangulong Duterte at hinangaan ng marami kaugnay sa war on drugs ng Pangulo ay kasama sa drug list ni Pangulong Duterte mismo.

Ito ang napag-alaman ng Rappler matapos ang meeting ni PNP Chief Archie Gamboa sa mga kapulisan noong Biyernes. Ayon sa Rappler, dalawang police generals ang nagkumpirma sa pagkakadawit ni Espenido sa drug list ng Pangulo.

Ganunpaman, hindi ito automatic na nangangahulugang sangkot nga si Espenido sa illegal drugs.

Si Espenido ang namuno ng mapatay sa isang operation si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at labing-apat pang iba. Si Espenido rin ang chief ng Albuera town police nang mapatay rin si Rolando Espinosa habang ibinibigay ang service of warrant sa kanyang kulungan.

Si Espenido ay kilalang miyembro ng Seventh-day Adventist Church at makailan na ring tumayo at nagsalita sa iba’t-ibang pagkakataon sa nasabing simbahan.

Kumalat rin sa social media ang mga larawan at kwento na kung saan nagbibigay siya ng Bible Study sa mga preso at kasama sa trabaho.

Katawa-tawang drug list o katawa-tawang war on drugs

Bagaman kailangan pa ng masusing imbestigasyon kung totoong dawit nga sa ilegal na droga ang nasabing police official ay malaking dagok ito sa “war on drugs” ni Pangulong Duterte.

Kapag napatunayang sangkot nga sa illegal na droga si Espenido ay mas lalung mawawalan ng kredibilidad ang campaign ng Pangulo laban sa illegal na droga. Hanggang ngayon kasi ay walang malalaking isdang nakukulong sa kabila ng bilyones na halaga ng shabu ang nakapuslit mula China.

Kung mapatunayang walang kinalaman si Espenido sa illegal na droga ay lalung magiging katawa-tawa ang drug list o drug matrix ni Pangulong Duterte. Makailang beses na rin kasi itong kinutya ng sambayanan dahil sa kakulangan ng ebidensiya sa kabila ng bilyones na Intel Fund ng Pangulong Duterte.

Sa kabila nito ay napakarami ng mga Filipino ang napatay sa illegal drugs campaign ng Pangulo, kasama rito ang mga inosente at mga batang walang kamalay-malay.

So alin ang palpak: listahan ng droga ni Pangulong Duterte o ang anti-drug campaign niya?

loading...