pilipinas-rocks-ISIPIN mo ito covid19

Kakaibang lungkot kapag tinamaan ka ng COVID19. Isipin mo ito…

94 Shares

Narito ang mga posibleng mangyari sayo kapag tinamaan ka ng COVID19:

  1. I-isolate ka nila. Ibig sabihin limitado masyado ang dalaw sayo ng mga kamag-anak mo o maaaring bawal silang dumalaw sayo. Ano epekto nito lalu na kung ikaw ang magulang?
  2. Posibleng hindi mo makikita ang pamilya mo habang nasa isolation ka o hanggang sa kamatayan mo kung di mo kayanin
  3. Posible rin i-quarantine ang pamilya mo dahil baka sila rin ay contaminated
  4. Mag-aalala ka sa sitwasyon ng pamilya mo at mga anak sa araw-araw. Mabuti kung may mga kamag-anak kang malapit sayo na pwedeng sumalo ng mga responsibilidad mo.
  5. Hindi lamang literal na sakit ng ulo at buong katawan ang dala ng virus, kundi pati na rin pagiging mag-isa sa quarantined area. Malungkot yun.
  6. May pambayad ka sa hospital bills? May insurance ka ba?

Sakaling di mo kayanin ang virus at mamatay ka:

  1. Mag-isa kang mamamatay. Ibig sabihin wala sa palibot mo ang iyong mga mahal sa buhay sa panahon ng kamatayan mo dahil nga posibleng makahawa ka pa.
  2. Ibabalot ka nila sa isang special bag suot ang huli mong damit. Walang makeup artist na magpapaganda ng mukha mo.
  3. Maaaring i-cremate ka nila para hindi ka pa makahawa sa iba.

Malungkot di ba? Kaya mahalaga ngayon ang pagiging masunurin sa batas ng kalusugan. Mahalagang ipatupad sa sarili ang healthy habits tulad ng

  1. Palagiang paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
  2. Gumamit ng facial mask lalu na kung alam mong magsasalita
  3. Maligo araw-araw
  4. Mag-exercise o magkaroon ng physical work
  5. Kumain ng nutritional food. Iwasan na ang matatamis at junk foods
  6. Magkaroon ng sapat na tulog

Ang higit sa lahat ay magkaroon ng tiwala sa Dios. Mamamatay ka man ngayon dahil sa COVID19 o aksidente o anumang disaster, ang mahalaga ay may pag-asa kang mabubuhay ng walang hanggan dahil sa kaligtasang tinanggap mo na mula sa Dios.

loading...