Umiiwas si BBM sa debates? Kampo ni BBM ang pumili ng schedule, ayon kay Korina

pilipinas rocks si bbm pumili ng schedule korina says

Nilinaw ni Korina Sanchez na hindi sila ang gumawa ng schedule para sa pag-guest ni Bong Bong Marcos Jr. sa special episodes ng kanyang show na Rated Korina para sa mga presidentiables.

Ayon sa post ni Korina gamit ang kanyang RatedKorina Facebook account, ang kampo mismo ni BBM ang pumili ng schedule.

“To be clear: When we invited BBM it was his team who chose the time and date. We had no choice”, ayon sa batikang journalist.

Ang schedule na ito ay conflict sa programa ng KBP para pagharap-harapin ang mga presidentiables sa isang malawak na coverage na programa.

Nauna ng pinarating ng kampo ni BBM na hindi makakarating ang kanilang standard bearer sa pagka-pangulo dahil sa conflict raw sa schedule nila. Dahil dito ay muling gumulong ang hasgtag na #MarcosDuwag at nadagdagan pa ito ng #MarcosDuwagTalaga.

Kinalaunan ay nalaman ng netizens na sa programa pala ni Korina Sanchez sisipot si BBM.

Umiiwas nga ba si BBM na makaharap ang mga katunggali niya sa isang programa? Sa ngayon ay wala pang linaw kung kaninong schedule ang naunang nai-set, ang pag-guest ni BBM sa show ni Korina o ang schedule ng KBP. Malalaman natin yan sa mga susunod na oras o araw.

Narito ang post ni Korina sa kanyang RatedKorina Facebook page:

0 Shares

Ano masasabi mo dito?