pilipinas rocks presidential candidate cocaine banana distribution davao

Kandidatong nagco-cocaine, anong naiambag sa Pilipinas? tanong ni PDuterte

0 Shares

Sa isang speech noong Huwebes, November 19, 2022, inihayag ni Duterte na may gustong umupo sa Malacanang na gumagamit umano ng cocaine.

“There is a presidential candidate na nag-coccaine,” pambungad na tirada ni President Duterte para sa isang kandidato sa pagkapangulo.

Lutang

Kalimitan nang kinukutya ng mga loyalista ng mga Marcos at DDS si Vice President Leni Robredo bilang “lutang”, ito ay dahil na rin sa mga malisyosong edited na videos na napapanood at ipinapakalat nila.

Sa nasabing speech, malinaw ang pagkakabanggit ni Duterte na ang tinutukoy niya ay isang “he” o lalake, kaya napakalabong si Leni Robredo ang pinatutungkulan ni Duterte.

Malinis rin ang track record ni Leni Robredo bilang public servant lalu na sa mga isyu ng illegal drugs o kahit corruption pa man.

Nakasandal sa kasikatan ng ama

Kilalang-kilala raw ang tatay ng presidential bet na ito. Sa mga kandidato ngayon sa pagkapangulo, tanging si Marcos Jr. lamang ang may ama na kilalang-kilala dahil naging diktador ito sa Pilipinas sa napakahabang taon ng Martal Law

Dagdag pa ni Duterte, tanging ang kasikatan ng ama ang ginagamit ng kandidatong ito upang makuha ang boto ng mga tao.

Kalimitan ng mababasa sa mga posts ng kampo ni Marcos Jr. ang pagpapasikat sa mga nagawa ng kanyang ama noong nanunungkulan pa ito sa Pilipinas bilang presidente at diktador. Mapapansing consistent ang kampo ni Marcos na baguhin ang history ng Pilipinas.

Nais nilang iparating na nasa “golden years” ang Pilipinas noong panahon ng dating diktador na si Marcos Sr, ngunit makailang beses na rin itong na-debunked ng mga totoong historians at mga testimonya ng mga biktima ng Martial Law at mga kamag-anak ng mga nakinabang bilang cronies ni Marcos Sr.

“Weak leader”

Sa parehas rin na speech ni Duterte ay inamin nya na ang kandidatong ito ay may posibilidad na maging pangulo. Sa survey na ginawa ng Social Weather Stations noong Oktubre, si dating senador Bong Bong Marcos Jr. ang nangunguna at malaki ang agwat sa pumapangalawa na si Leni Robredo.

Ganunpaman, baffled si Duterte kung bakit maraming Filipino ang tumataya sa kandidatong kanyang tinutukoy na nagko-coccaine.

Bakit ang Pilipino parang lokong-loko na supporting?” tanong ni Duterte.

“He is a very weak leader – ang character niya, except for the name, pero ang tatay, pero siya, ano ang ginawa niya?” dagdag pa ni Duterte.

Nabanggit rin ni Duterte ang plantation ng banana sa Davao. Ini-link nya ito sa mga mayayaman at tinutukoy niyang kandidatong nagco-coccaine

Ano ang ginawa niyan sa Pilipinas?

“Magtanong lang ako sa inyo, ano ang ginawa niyan? Nagdrodroga ‘yan ng cocaine. Ang tirada niyan, lahat dito sa Maynila, pati sa Davao, isang grupo ‘yan,” ayon pa kay Duterte.

Hindi diretsahang tinukoy ni Duterte kung sino ang kandidatong ito, at ipinauubaya niya sa taong bayan ang pagka-alam kung sino ang tinutukoy niya.

Mayayaman at banana plantation sa Davao

May pahabol pang clue si Duterte kung sino ang tinutukoy niyang kandidatong nagco-cocaine.

Yung mga mayaman sa Davao… may-ari ng lahat.. banana ang distribution.. yan yung nag-suicide yung anak.. may kandidato tayo na naco-cocaine yan. Yang mga anak ng mga mayayaman. Kaya nga nagtaka ako.. anong nagawa niyang.. anong nagawa nyang tao na yan?” tanong ni Duterte.

A quick Google Search about banana plantation sa Davao ay lalabas ang article na sinulat ni Roberto Tiglao patungkol sa Tadeco na yaon sa title ng article ay “Marcos owns Tadeco“.

“Do you really think that Marcos was so clean that he’d let alone such lucrative firm whose operations depended on a questionable contract by a small agency like the BuCor?” the source asked rhetorically.”

Kayo po, sino sa tingin nyo ang tinutukoy ni Duterte na:

  • kandidato sa pagkapangulo
  • lalake
  • sumasandal sa kasikataan ng ama
  • walang ambag sa Pilipinas
  • kilala ng mayayaman
  • link sa Banana distribution sa Davao
  • nagco-coccaine