karen davila paolo duterte

Karen Davila, matapang na tinira si Paolo Duterte sa pag-iwas nito sa Senate hearing upang linisin ang pagkakadawit sa P6.4 bilyong shabu scandal

Isa na namang babae ang may lakas ng loob upang kontrahin at diretsahang banggain ang pamilya Duterte, si Karen Davila–isang batikang news anchor, commentator, at journalist. Sa pamamagitan ng kanyang programa sa radyo ay isinapubliko niya ang kanyang opinion laban sa tila ay misteryong nagaganap sa Senate hearing na pinangungunahan ni Senator Dick Gordon.

Palaisipan sa marami ang tila pagdepensa at pag-iiwas nina Senators Tito Sotto at Gordon na maimbitahan sina Paolo Duterte at Mans Carpio sa nagaganap na Senate hearing patungkol sa pagpuslit ng shabu sa Bureau of Customs na nagkakahalagang P6.4 bilyon.

Nagagawa nilang mai-subpoena ang ibang tao na napangalanan sa ginaganap na Senate hearing ngunit sa parehas ring kaso na “wala pang sapat na ebidensya”, ngunit hindi nila ito magawa kay Paolo Duterte. Dahil dito ay umaalma ang marami. Isa na dito si Karen Davila.

Hindi katanggap-tanggap kay Davila na nangyayari ito sa kabila ng may ilang beses nang nababanggit ang pangalan ni Paolo Duterte na nagpapakitang possibleng sangkot siya sa smuggling sa pamamagitan ng Davao Group.

Sa mga texts messages na ipinakita ni Mark Taguba sa Senado ay hindi maiiwasan na isipin ng marami na si Paolo Duterte ang mastermind at malakas na pwersa na nasa likod ng Davao Group.

Pagkakataon ng nasabing anak ng Pangulong Duterte na linisin ang kanyang pangalan, ngunit mas pinili nitong manahimik sa issueng kinasasangkot sa kabila nang dati na itong maingay sa social media sa ibang mga issues.

Narito ang pahayag ni Karen Davila:

“Ang sino matamaan, wala akong kinakampihan. Ang sinabi is you have to hold the first family at ang higher standard.

Babaguhin ko po. Kung kayo ay First Family, kayo ay nasa gobyerno, dapat you are beyond reproach. Anong ibig sabihin? Walang duda sa inyo, walang duda sa pagkatao niyo, walang duda sa kredibilidad niyo.

Ito lang sasabihin ko, kung totoo na walang kinalaman si Paolo Duterte, Vice Mayor siya, binanggit ang pangalan niyo sa Senado. Eto’ng tanong ko, Vice Mayor Paolo Duterte, hindi ako galit ha? This is not personal, ba’t di kayo pumunta sa Senado. Ang pangalan niyo ay binabanggit ng isang testigo.

Tapusin ko lang ha? This is very important to me. Ang pangalan niyo binabanggit ng isang testigo, si Atty.Mans Carpio na asawa ni Mayor Sarah (Duterte). Oh eto, nakita ko, he criticize Antonio Trillanes sa Facebook. Di ko kinakampihan si ano ah, si Trillanes. Ba’t di mo ipaliwanag sa Senado. Ang point ko, eto lang, Bakit kung sinong ordinaryong indibidwal kailangan pong sumipot sa Senado? Bakit po kayo hindi pwede?

I’m sorry, Vice Mayor, that you’re an elected official, am I correct? What’s spares you and not everybody else? Kung si ka, oh eto kung si Karen Davila binanggit sa senado partner, are you telling me makakalusot ako sa senado? Are you telling me makakalusot ako sa Senado at di ako sisipot at dedepensahan ako ni Senator Gordon at sa sabihin niya, ‘ eh binanggit mo lang si Karen Davila anong basis mo?’ Hello? Sinubpoena na ako nun!

Eto lang tanong ko, you are a public official hindi po ito personal. Vice Mayor Paolo Duterte, it is your responsibility, in fact, to clarify your name, to clean it! Binabanggit kayo ng isang testigo under oath, under oath sa Senado.

At eto namang mga Senador. Eto po’ng tanong ko, kahit elected official po o ordinaryong tao, pantay-pantay kami. Hindi po porke miyembro ng First Family, hindi niyo ipapatawag. Yan po ang opinyon ng isang tax payer na tulad ko. Sana po patas po. Ipatawag niyo lahat ng binabanggit under oath sa Senado. Walang takot yan.”

(Video from DZMM TeleRadyo)

Ganito rin ba ang iyong saloobin?

You may also like...

Loading...

2 Responses

  1. FDValmoria says:

    Anothe r valiant lady with balls in the league of Ombudsman Conchita Morales, Chief Justice Justice Sereno, Senators Riza Hontiveros & Leila Delima & Vice President Leni Robredo. Bravo Ms. Karlen Davila, thanks for being a crusader of truth & transparency, for standing against its oppressors & suppressors & for standing by the truth & the Filipino people

  2. ALEXANDER WARTZ says:

    YON NGANG BATANG INOSENTE PINATAY PARA LANG IPARATING NA SERYOSO SI TATAY DIGONG SA PAGSUGPO NG DRUGS AS PER TATAY DIGONG LAHAT KAILANGAN MAGSAKRIPISYO KASAMA DYAN KAIBIGAN KUMPARE AT ANAK KAYA NGA LIKED NATIN SI TATAY DIGONG GO GO GO TRILLANES IKAW LANG MAY BAYAG SA SENADO LAHAT BARKER NG ADMINISTRASYON LETS SUPPORT TRILLANES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *