rating ng pangulo o ekonomiya

Kasikatan ng Pangulo o ekonomiya ng bansa? Mag-isip tayo!

Sunod-sunod ang mga paglabas ng mga surveys kamakailan kung saan pinapakitang marami pa umano ang satisfied kay Pangulong Duterte sa kanyang pamamahala sa bansa. Tulad ng inaasahan, ikinatutuwa ito ng mga taga-suporta ng Pangulo.

Gaano nga ba katiwa-tiwala ang mga surveys? Ang boses ng kulang-kulang dalawang libong tao ay sapat na ba upang irepresenta ang saloobin ng nakakaraming Pilipino? Ang sagot ay maaaring pag-usapan sa ibang pagkakataon.

Ngunit makatawag pansin na habang winawagayway ng mga tagahanga ng Pangulo ang mataas na satisfaction rating nito ay patuloy naman ang paglubog ng Philippine peso. Sumasalamin ito ng totoong nangyayari sa current status ng ekonomiya ng bansa.

May mga balita, kuro-kuro, at forecasts na nagsasabing “paunlad na” umano ang Pilipinas. Ngunit lahat ng ito ay “forecasts” lamang. Makikitang ang mga salitang ginagamit ay “will” o kaya naman ay “inaasahan”. Ibig sabihin ay hindi ito ang realidad.  Ang realidad ay patuloy na bumabagsak ang piso sa kabila nang ang ibang currencies ng ibang mga bansa ay umaangat.

Makikita sa screenshots sa baba na mula sa mga online exchange rate systems ang patuloy na pagbulusok ng piso laban sa US dollar, habang ang currency ng mga karatig na mga bansa ay umaangat kung hindi man ay nananatiling nasa status quo.

philippine peso 2

 




Kasabay ng paglubog ng piso ay ang pagtaas ng mga bilihin. Hindi rin maikakaila ang patuloy na pagdanak ng dugo ng mga inosente at suspected pa lamang na walang ipinapakitang matibay na ebidensiya habang ang malalaking pangalan na nadadawit sa P6.4 bilyong shabu scandal ay pinoprotection-an ng mga pulitikong kaalyado ng Pangulo.

Matapos ang mahigit isang taon ng Pangulo sa pag-upo sa Malacañang ay hindi pa rin niya nagagamit ng tama ang kanyang kasikatan upang ayusin ang bansa, bagkus ay mas lalung naging hati ang mga Pilipino at dumami ang problema ng bansa.

Saan nga ba patungo ang Pilipinas? Ano nga ba ang mas mahalaga para sa ating mga Pilipino: kasikatan ng isang tao o pag-unlad ng bansa?

You may also like...

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *