pilipinas-rocks-kobe crash hellicopter

Kobe Bryant, Gianna patay sa helicopter crash sa Calabasas

86 Shares

Patay sa isang helicopter crash si Kobe Bryant at ang kanyang anak na si Gianna, kasama ang tatlo pa. Ayon sa ulat ng Los Angeles Times, sakay ng private helicopter ang mag-ama ng ito ay mag-crash at lumiyab noong Linggo ng umaga.

Makulimlim at maulap ang kapaligiran sa Calabasas, California ng mangyari ang aksidente. Ayon sa mga ulat ay nanggaling ang sinasakyang helicopter sa Orange County kung saan nakatira ang pamilyang Bryant.

Nangyari ang pag-crash ilang minuto makalipas ang alas-10 ng umaga malapit sa Las Virgenes Road, timog na bahagi ng Agoura Road, ayon sa watch commander ng Los Angeles County Sheriff’s Department.

Nakatayo sa labas ng Church in the Canyon habang hawak ang kape ng marinig ni Jerry Kocharian ang ingay ng isang helicopter na sobrang mababa ang lipad.

“It [didn’t] sound right and it was real low. I saw it falling and spluttering. But it was hard to make out as it was so foggy,” ayon kay Kocharian.

Tuluyan na niyang hindi nakita ang helicopter dahil sa ulap at maya-maya pa ay narinig niya ang malakas na pagsabog.

“There was a big fireball,” dagdag pa ni Kocharian. “No one could survive that.”

Photo: Los Angeles Times

Ang legendary at kilala ng lahat na basketball player ay 41 years old, samantalang 13 years old naman ang kanyang anak.

Ikinagulat ng marami ang pangyayari lalu na sa larangan ng basketball at sports.

loading...