trillanes duterte tattoo

Paolo Duterte, nabingwit agad ni Trillanes sa sariling bibig! Alamin kung bakit…

“Mayroon ka bang tatoo sa likod mo?” tanong ni Senator Antonio Trillanes IV kay Davao Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte.

“Mayroon po, Mr. Chair” sagot naman ni Paolo Duterte.

Makikita sa video na sa pagsagot na ito ni Paolo Duterte ay walang bumulong sa kanya na abogado. Ano ang implication nito? Kung sasagot lamang sa tanong, walang tinatago, at ang layunin ay makita ang katotohanan ay may lalabas na liwanag sa bibig mismo ni Paolo Duterte kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon.

Sa pagkakataong ito ay ang liwanag na nakita ng publiko ay ang pagkakaroon niya ng tattoo na posibleng iugnay sa Chinese triad na sindikato, at ito nga ang nakuha ni Senator Trillanes IV.

Mukhang hindi inaakala o hindi inaasahan ng kampo ni Paolo Duterte na itatanong ang tungkol sa tattoo, dahil kung alam na nila ay siguradong “I invoke my right to be silent” ang isasagot ni Paolo Duterte.

Ngunit noong makita na ng abogado na iniuugnay na ni Senator Trillanes ang issue ng tattoo sa international syndicate ay saka ito gumamit ng “right to be silent” ayon na rin sa advice ng kanyang abogado, ngunit huli na ito. Inamin na ng nasabing Davao City Vice Mayor na mayroon nga siyang tattoo sa likod. Kumbaga sa akusasyon ay nagkaroon agad ng bearing ang pinupunto ni Senator Trillanes.

Dito ay malinaw na naisahan ni Trillanes si Paolo Duterte. Kaya ang burden ngayon ay nasa anak ng Pangulo na pabulaan na ang kanyang tattoo ay related sa Chinese syndicate. Ilang segundo lang ang kakainin na panahon upang ipahiya si Trillanes sa kanyang mga allegations, ngunit hindi ito nagawa ni Paolo Duterte sa Senate hearing.

Kapansin-pansin rin na ang tungkol sa tattoo ay personal at tila malayo sa imbestigasyon. Pwedeng-pwede na sabihin ni Paolo Duterte na “I invoke my right to be silent since malayo sa issue iyong tanong”. Pero hindi ganoon ang nangyari, dahil sa budhi ay matiwasay niyang sinagot ang tungkol sa tattoo.

Kabaligtaran ito doon sa pagtatanong ni Trillanes tungkol sa mga bank accounts. Bagaman malinaw na may kinalaman iyon sa pagkakasangkot niya sa issue ng shabu scandal ay malayo umano sa issue ang tungkol sa bank accounts, kaya he invoked the right to be silent again.

Kung hindi magtatago sa “right to be silent” ay may makikitang liwanag ang publiko.

You may also like...

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *