pilipinas-rocks-corruption sa philhealth lacson

Lacson: Overpayment ng PhilHealth sa mga ospital saan napupunta?

Siniwalat ni Senator Panfilo Lacson sa pamamagitan ng kanyang privilege speech ang umano ay malawakang corruption sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Overpayment ng PhilHealth

Ayon kay Senator Lacson, sinasadya ang pagbabayad ng sobra-sobra ng PhilHealth sa mga ospital sa pag-claim ng benefits ng mga pasyenteng miyembro nito.

Halimbawa ay ang kaso sa Bukidnon Provincial Hospital-Manolo Fortich na may pasyenteng ginamot sa sakit na Pneumonia I, at ang actual charges na binigay ng hospital ay P4,820.00 lamang ngunit ang ni-release ng PhilHealth ay P15,000. Lampas ito ng P10,180.

Isa lamang ito sa mga cases na binigay ni Senator Lacson bilang halimbawa ng sinasabi niyang malawakan at sistematic na corruption sa loob ng PhilHealth.

Saan napupunta ang labis na binabayad?

Anumang pera na nakukuha ng members mula sa PhilHealth ay kailanman hindi naibibigay ng cash sa mga pasyente. Nakikita na lamang itong nababawas sa kanilang hospital bills. Ang tanong ay saan napupunta ang excess na binibigay ng PhilHealth?

Kung susumahiin ang lahat ng overpayment cases mula 2013 hanggang 2018 na hango rin sa report ng Commission on Audit (COA) kasama na ang pagkalugi dahil sa malawakang fraud ay papalo ito ng P153.7 bilyon!

PhilHealth officials

Ayon rin kay Senator Lacson, ang nasabing overpayments ay kibit-balikat na lamang na hinaharap ng matataas na opisyales ng PhilHealth. Sinasabi nila na ang mga ito ay “efficiency gains”, na kung saan ang mga labis na bayad na natatanggap ng mga ospital ay maaaring gamitin upang mapunan ang pagkalugi mula sa ibang pasyente.

Hindi ito katanggap-tanggap kay Senator Lacson dahil hindi malinaw kung saan talaga napupunta ang pera at napakalaki ng chance na gamitin ito bilang gatasan ng mga corrupt officials.

Financial deficit ng PhilHealth

Ang mga ito ay nangyayari sa kabila ng ulat na ang PhilHealth ay patuloy na nalulugi sa pag-usad ng panahon. Ayon na rin sa ulat ng COA, ang PhilHealth ay may financial deficit sa mga taong nabanggit:

Mula 2013 to 2017, ang net operating income ng PhilHealth ay patuloy na bumaba sa negative level: P5 billion noong 2013; P1.8 billion noong 2014; P5.7 billion noong 2015; P6.1 billion noong 2016; at P10.5 billion naman ng 2017.

Mababa rin ang score na nakukuha ng PhilHealth mula mismo sa Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations Scoreboard. Sa halip na mula 90% pataas para makakuha ng Performance-Based Incentives ay nakakakuha lamang ito ng 47.82%.

Ito ay ilan lamang sa laman ng expose’ ni Senator Lacson kamakailan lamang.

Share this story. Ano ang masasabi mo sa expose na ito?

Source: pinglacson.net

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page