Lalakeng lasing, nakatikim ng leksyon. Di inakalang lady Thai boxer ang kanyang binastos

pilipinas rocks lady thia boxer lalakeng lasing

BANGKOK, Thailand.. Dahil sa hindi pumayag ang babae na samahan siya sa table ay kumuha ang lalake ng isang basong tubig. Maya-maya pa ay ibinuhos ito ng lalake sa ulo ng babaeng bumasted sa kanya.

Gumulong sa Thailand social media ang video na kakikitaan ng “girl power” dahil sa pagkakataong ito, ang babae ang nakaraming tadyak at suntok sa lalakeng nambastos sa kanya.

Hindi inakala ng lalake na ang kanyang binuhusan ng tubig sa ulo ay isa palang Thai boxer, bihasa sa kickboxing tulad ng mapapanood sa video sa ibaba.

Sa Thailand, ang ulo ay kinokunsidera na pinakamalinis na bahagi ng katawan ng tao, at kung dudumihan ito, hahawakan sa paraang may pambabastos tulad ng pagbuhos ng tubig upang pahiyain ang tao ay isang malaking gulo ang patutunguhan.

Nangyari ang insidente sa isang food shop sa Huai Kwang district sa Bangkok. Makikita sa video na habang kumakain ang babae ay binuhusan ito ng tubig ng lalakeng naka-jacket. Hindi naman tumagal ay nakaresbak agad ang nasabing lady boxer.

Ayon sa mga nakasaksi, galit na galit ang babae na may social media name na “Pareploy Saeaia”, at ginamit ang kanyang Thai boxing skills upang makaganti sa lalake. Hindi naman daw agad-agad na pumalag ang lalake, maliban na lamang nang nakialam na ang mga miron.

Tumungo si Pareploy sa Huai Kwang polics station upang magsampa ng reklamo. Ayon sa kanya, napahiya siya ng buhusan ito ng tubig sa ulo. Aminado siya sa kanyang pagsipa at pagsuntok sa lalake, at ginawa lamang daw niya iyon upang proteksyunan ang kanyang dignidad.

Kinalaunan ay dumating ang lalake sa parehas na presinto upang harapin ang reklamo. Humingi ng apology ang lalake. Kapwa pumayag na walang kasong itutuloy sa bawat panig. Ngunit minabuti ng Thai police na parehas pagmultahin ang dalawa ng tig-isang libong baht. 1,000 baht ang multa para sa lalake dahil dinumihan nito ang damit ng babae sa pagbuhos ng tubig, at 1,000 baht naman ang multa sa babae dahil sa mga sipa at suntok na pinakawalan nito.

Nagdesisyon naman ang Swissotel Bangkok Ratchada, ang hotel na pinagtatrabahuhan ng lalake, na sisantehin ang nasabing empleyado dahil sa “improper conduct”.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?