pilipinas-rocks-lassa fever nigeria rats

Lassa fever outbreak sa Nigeria kumitil na ng marami. Malipit na nga ba ang katapusan ng mundo?

69 Shares

Di kukulang sa 29 ang mga namatay na dahil sa pagkalat ng Lassa fever sa Nigeria, ayon sa mga otoridad doon. Umabot naman sa 195 ang kumpirmadong contaminado ng nasabing sakit.

Nag-anunsyo na ang gobyerno ng Nigeria na paigtingin pa ang emergency measures upang mapigilan ang lalung pagkalat ng nakamamatay at nakahahawang sakit.

“As at 24th of January 2020, 195 confirmed cases and 29 deaths had been reported in 11 states,” ayon sa Nigeria Centre for Disease Control (NCDC) nooong Sabado.

Bumuo na nang national emergency operations center ang gobyerno ng Nigeria upang mapigilan o masupil ang viral na sakit.

Ano ang Lassa fever?

Ang Lassa fever ay isang viral hemorrhagic fever. Ibig sabihin nito ay mayroong abnormal na pagdugo ang biktima. Minsan ang pagdugo ay internal o nasa loob ng katawan, minsan naman ay makikita sa labas.

Tinuturing na silent killer ang Lassa fever dahil halos walang makitang sintomas ang taong infected nito.

Bagaman kabilang ang Lassa fever sa pamilya ng Ebola at Marburg viruses na pumatay rin ng marami, ang Lassa fever ay kilala bilang lesser deadly kaysa sa Ebola.

Outbreaks sa mga nakaraang taon

Taong 1969 nang una itong makita sa bayan ng Lassa sa hilagang bahagi ng Nigeria. Ito ang dahilan kung bakit ang pangalan ng disease na ito ay Lassa fever.

Nagtala rin ng parehas na sakit sa bahagi ng Sierra Leone, Liberia, Togo, at Benin na kung saan ay pumatay ito ng di kukulangin sa siyam na tao noong 2016.

Taon-taon ay may natatalang 100,000 hanggang 300,000 kaso ng Lassa fever infections at umaabot ng 5,000 napapatay sa West Africa ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Noong nakaraang taon ay kumitil ito ng 160 buhay sa Nigeria.

Paaano lumalaganap ang sakit?

Ang virus ay nakikita sa dumi o ihi ng mga daga. Nasasalin ang virus sa mga tao dahil sa hindi nalinisang mga gamit sa bahay tulad ng mga kagamitan sa kusina o pagkain naihian o nadumihan ng daga at kinain ng tao.

Umaabot ng anim hanggang 21 days ang incubation period nito sa tao at maaari ring masalin from human to human sa pamamagitan dugo, ihi, laway, sperm, suka, at dumi.

Symptoms at paggamot sa Lassa fever

Ang mahirap sa disease na ito ay hindi ito basta-basta nakikita sa panlabas na sintomas sa tao. Ngunit sa iba ay maaaring makita ang lagnat, pagiging matamlay, mahihiluhin, diarrhea, sakit ng ulo, pagsakit ng tiyan, o sore throat. Minsan ay maaari ding makita ang pagmaga ng leeg at mukha.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang gamot na Ribavirin ay nakitang epektibong sagot laban sa Lassa fever kung matutukoy at makukumpirma agad ang viral na disease sa taong apektado nito.

Ang Nigeria ang may pinakamaraming tao sa Africa na umaabot sa 200 million. Mayroon itong limang laboratories na may kakayanang mag-diagnose ng Lassa fever.

Marami ang nakakapuna na sa loob lamang ng ilang araw ay sunod-sunod na ang mga hindi magagandang nangyayari sa mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Senyales na nga ba ito na malapit na matapos ang mundo?

loading...