pilipinas-rocks-last term mo na yan bato dismayado supporters

“Last term mo na yan!”, banta ng mga dismayadong supporters ni Sen. Dela Rosa dahil sa isang group photo

63 Shares

Marami sa mga bumoto at sumuporta sa dating PNP Chief at ngayon ay Senador na na si General Ronald “Bato” Dela Rosa ay nadismaya ng makita nila ang isang group photo.

Sa photo na ishinare ni Troy Abitona sa kanyang Facebook account ay makikita ang nasabing Senador kasama sina dating PNP Chief na si General Albayalde at Chief Superintendent Edward Carranza.

Ang photo ay may caption na:

ATTY. GLENN, Kaya pala wala tayong kalaban laban kay CARRANZA nung panahon ni Albayalde, heto oh!!!

Sen. Bato, kaya wala ka rin ginawa…pinaasa mo lang si Binibining Maharlika at pati kami…Kayan naman pala..

Pero tuloy parin ang laban para sa katarungan.
Para kay RED SANTILLAN!!!

Red Santillan

Si Red Santillan ay dating bodyguard ni Atty. Glenn Chiong, tumakbong Senador noong 2019 ngunit natalo at vocal critic ng Smartmatic.

Napatay si Santillan noong December 9, 2018 sa isang shootout laban sa mga kapulisan ng Highway Patrol Group (HPG) sa Barangay San Andres sa Cainta ala-una ng madaling araw.

Ayon sa mga pulis ay may narecover silang dalawang handguns, isang granada, at tatlong plastics sachets na naglalaman ng shabu sa crime scene.

Ngunit para kay Glenn Chiong ang nasabing pangyayari ay isang ambush.

Pinaimbestigahan

Noong January 1, 2019 ay nag-utos si Pangulong Duterte na imbestigahang mabuti ang nasabing insidente at panagutin ang lahat ng sangkot lalu na ang mga mastermind.

Si General Albayalde ang nakaupong PNP Chief ng mangyari ang pagpatay kay Red Santillan, samantalang si General Bato Dela Rosa naman ay napipintong umupo bilang senador matapos magretiro bilang pulis.

Ang HGP na nakasagupa ni Red Santillan ay nasa ilalim ng Calabarzon police director Chief Superintendent Edward Carranza.

Click to grab yours now!

Dismayado

Para sa mga dismayadong supporters ni Senator Dela Rosa na ipinaglalaban ang hustisya para kay Red Santillan ay sapat na ang group photo kung bakit hindi raw umuusad ang kaso.

Narito ang screenshot ng ilan sa kanilang mga sinabi:

“Last term mo na yan!”

“Dada lang pala c sen bato walang pinagiba sa mga trapo nakadismaya” – Ester Ramirez 

“Ako nagsisi talaga ko at binoto ko yang c bato.. ” – Maria Alpapara 

“Sen.Bato akala namin para ka sa mga inaapi mga victim like Santillan bakit tahimik ka bakit??????? ” – Verna Geale 

“Nagoyo tayo ni Bato akala ko kakampi ka namin yun pala konsentidor ka sa gawain ng mga demonyong kamistah mo” – Mhie Beduya 

“may susunod pa. na elektion. tandaan mo yan bato. ” – Welkie Delgado 

“Sorry nalang siya nxt election kubg tatakbo siya .ayaw ko na siya iboto . ” – Nene Ababao Maldia 

“Last mo na yan rock and roll sa senado” – Charito Enad Lim 

“P@#ang SALOT ka rin Bato. Last term mo na, yan” – Ferdinand Cabasug Sanchez 

Narito ang post ni Troy Abitona sa kanyang Facebook account.

.

.

.

.

Ano po masasabi nyo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page